Elusive Butterfly

5.2K 177 34
                                    

" Nandito ka na naman " agad na bungad ng babae sa isang binata na kakarating lamang sa kaniyang kainan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Nandito ka na naman " agad na bungad ng babae sa isang binata na kakarating lamang sa kaniyang kainan.

Ni hindi na siya nagtanong kung ano ba ang kakainin niya dahil tsaa lamang na gawa sa bulaklak Freff ang gusto nito.

" Hulaan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Hulaan ko. May iniisip ka na namang hindi maganda " lapag ng babae sa harap ng binata ang tsaa niyang dala.

Wala ng iba pang nilalang sa loob bukod sa kanilamg dalawa dahil malapit na siyang magsara.

" Pag-ibig " salita ng binata. " Nakakatuwang paglaruan " ngiti nito bago humigop ng inumin niya.

" Alam mo ako ang natatakot sa ginagawa mo. Sa oras na malaman nila na ikaw ang gumawa ng itim na salamangkang fierob ay siguradong kamatayan ang katapat mo " pag-aalala nito sa tinuturing niya ng kaibigan.

" Sa tingin mo malalaman nila na ako 'yon? " tanong niya na may kakaibang ngiti sa labi.

Napailing na lang ang babae sa nakita niya sa pagkagalak ng binata sa nangyayari. Ang rami niyang ginawa upang mapatunayan na hindi mananalo ang pag-iibigan ng dalawang nakatadhana.  Sa ngayon si Primnus Xeriol at Allaode ang kaniyang napaglaruan.

" Sa ngayon ang nanalo ay ang tadhana " malungkot nitong tugon ngunit mabilis na ngumiti. " Makikipaglaro naman ako sa iba "

" Tigil-tigilan mo na 'yan. Ano na naman ang gagawin mo? Gagawa ka na naman 'kuno' ng isang propesiya na paniniwalaan ng mga ganid sa kapangyarihan. Mukhang si Elor Odin lang ang naniniwala doon " saad ng babae.

Umiling naman ang binata at humigop muli ng tsaa. " Hindi. Hindi masaya kung uulitin ko lang. Iba namang paraan dahil hindi eepekto 'yan sa lahing Azula "

Napangiwi naman ang babae dahil sa narinig niya. Ibang lahi naman ang kaniyang paglalaruan ng kanilang tadhana.

" Sa tingin ko ay may nangangailangan ng tulong ko sa mga Azula kaya aalis na ako " tumayo na ang binata upang umalis na.

Napailang na lang ang babae habang pinagmamasdan ang pag-alis ng binata. Hindi niya ito mapipigilan dahil natatakot rin siya kung sakaling pigilan niya ito. Hindi niya lubos kilala ang binata kaya wala siyang magawa. Ang tanging kayang gawin na lamang niya ay magdasal na magbago ang binata.

Balang-araw, pag-ibig at tadhana na ang makikipaglaro sa'yo para maramdaman mo ang nararamdaman ng mga pinaglalaruan mo.

- j u n j o u h e a r t -

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon