Ika-17 Kabanata

7.3K 346 15
                                    


Napahawak ako sa aking braso dahil sa pananakit nito. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang ginawa kong pagpapakawala ng mga paruparo. Hindi naman kasi ako sanay na ilabas sila ng maramihan kaya siguro pananakit ng katawan ang aking nararamdaman.

" Allaode "

Bigla kong naalala ang pagtawag ni Xeriol sa aking pangalan kagabi. Sinubukan ko syang lapitan pero bumagsak na lamang ako sa sahig at iyon lang ang huli kong naalala. Ibig sabihin ang nagpasok sa akin dito ay sya?

" Gising ka na pala " napatingin ako sa lalaking nagsalita.

Kita ko si Xeriol na may dalang pagkain at isang basong tubig sa isang metal na lalagyanan. Umupo ako sa kama ko habang nakasandal sa dulo nito. Umupo rin naman si Xeriol sa aking tabi at inilapag sa gilid ang dala nya.

" Ayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong nya sa akin.

Kinakabahan ako. Paano kapag nalaman nya na may dalawa akong lahi? Siguradong lalayuan nya ako at kung mamalasin ay maaari nya akong isuplong sa nakatataas. Magiging dahilan rin iyon upang mapahamak ang mga taong kumupkop sa akin at mabibigo ko ang mga umaasa sa akin.

" Hindi ka na dapat kasi lumabas ng gabing-gabi. Ano ba kasi ang ginagawa mo ng ganoong oras sa labas ng iyong kwarto? " tanong nya.

Hindi nya kaya nakita? Kasi kung nakita nya dapat nagtatanong sya sa akin tungkol sa bagay na iyon o 'di kaya ay hindi nya na ako kinakausap.

" Allaode, tinatanong kita. Huwag mo lamang ako titigan. Kapag 'di ako nakapagpigil hahalikan kita dyan " bigla nitong sabi kaya napaatras ako palayo sa kanya.

" Masama kasi ang pakiramdam ko kaya hihingi sana ako ng gamot sa klinika ng maalala ko na sarado na pala iyon kapag ganoong oras " pagsisinungaling ko.

Lumapit naman sa akin si Xeriol at niyakap ako. Nagulat pa nga ako sa kanyang ginawa.

" Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng makita kang nawalan ng malay " halata sa boses nya ang pag-aalala.

Hinawakan nya ako sa magkabilang braso habang nakatingin sa aking mga mata. " Sa susunod na makaramdam ka ng hindi maganda pumunta ka lang sa akin. Mas mapapanatag ako kung sakali " saad nya.

Tumango ako bilang sagot. Nagsimula na akong kumain at may pinainom rin syang gamot upang mabawasan ang sakit sa katawan ko. Matapos ay nagpahinga na ako. Hindi muna ako papasok ngayong araw dahil kailangang may lakas ako mamaya sa gagawin kong pagsasanay.

" Ako na ang bahalang ipaalam sa ating mga guro ang dahilan kung bakit ka liliban sa ating klase " nakangiting sabi ni Xeriol.

" Salamat Xeriol " ngiti ko rin sa kanya.

Ipinikit ko na ang aking mata upang makatulog na nang maramdaman ko na may humalik sa aking noo. Dumilat ako upang tingnan si Xeriol pero naglalakad na sya papalabas ng silid ko.

Napahawak naman ako sa noo ko dahil ramdam ko ang lambot ng labi nya. Napakswerte ko dahil nakilala ko ang tulad nya.

-

" Maayos na ang pakiramdam ko kaya pwede ka ng umalis " pagpapataboy ko sa kanya.

Hindi sya maaaring manatili dito sa aking silid ng buong gabi dahil kailangan ko pang umalis mamaya upang magsanay. Kung nandito sya sa aking tabi, paano ako makakaalis?

" Pero gusto ko lang makasigurado na ayos ka lang. Paano kung himatayin kang muli? Baka may iba pang tumulong sa'yo " rason nya.

Huminga naman ako ng malalim at umupo sa upuan. Kailangan kong makapag-isip kung paano ko sya mapapaalis.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon