Tulad ng sabi ni Xeriol, wala sya ngayong araw. Medyo inaantok pa ako dahil hatinggabi na rin kami natapos magsanay. Aaminin ko na kulang ang araw ko ngayon na walang bumubungad na nakangiti sa akin kapag binubuksan ko ang pintuan ng aking silid. Walang nangungulit sa akin pagpasok sa silid-aralan. Walang pumipilit sa akin na kumain ng marami." Ipapaalala kong muli na ihanda nyo ang inyong sarili. Bukas na darating ang Jjani ng mga Lapidoptera. Wala akong makikita bukas na hindi sumunod sa mga pinag-usapan natin. Nagkakaintindihan ba tayo? " paninindak ni Mr. Philip.
" Opo! "sabay-sabay naming sagot.
Nagpaalam na si Mr. Philip sa amin. Iniligpit ko na ang gamit ko dahil sya ang huling klase namin ngayong araw. Isinukbit ko na ang bag ko at naglakad na palabas upang makauwi na sa silid ko. Nagtataka ako dahil nararamdaman kong may sumusunod sa akin kaya lumingon ako sa likod.
Nakita kong may nagtatago sa likod ng pader. Walang iba kung hindi si Miyuki at Styll.
" Pinababantayan ba ako ni Xeriol sa inyo? " salita ko.
Lumabas naman sila habang pumipito-pito pa at nilagpasan ako. Napapailing na lang ako dahil masyado silang halata.
Naglakad na akong muli kaya sumabay na ang dalawa na nasa magkabilang gilid ko. Nakisabay na rin ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila.
" Narinig mo ba ang balita? May nakapasok na kalaban sa loob ng paaralan "
Nagpintig ng mabilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang usapan ng nakasalubong namin sa paglalakad.
" Delikado na talaga ang panahon ngayon " komento ni Miyuki.
" Ang lakas nga ng loob nila na pumasok sa loob ng paaralan. Hindi nila alam kung gaano kahigpit ang pagbabantay nila dito " sabi naman ni Styll.
Nakikinig lang ako sa usapan ko dahil inuukupa ng aking isipan ang narinig ko kanina. Hindi ako mapapalagay hanggang hindi ko nakikita kung sino ang nahuli. Paano kung pumunta ang isa sa kalahi ko dahil sa akin? Ayaw kong may mamatay na ako ang magiging dahilan.
" Mangako kayo na huwag nyong sasabihin ito sa iba " mahinang sabi ni Styll.
Tumango naman kami ni Miyuki. Tumungin muna sya sa paligid nya at lumapit sa amin.
" Narinig ko lamang ito sa mga kasamahan ko sa Hexagonal. Tuwing gabi daw ay may namamataang ibang lahi na pumapasok sa loob ng paaralan natin. Ang problema lamang ay hindi nila matukoy dahil may humaharang sa kapangyarihan na matunton ito kaya nagdoble sila ng mga tagabantay " kwento ni Styll.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Malaki ang posibilidad na ang mga sumusundo sa akin tuwing gabi ang tinutukoy nilang ibang lahi.
Bakit hindi ko naisip na hindi madali ang pagpasok dito? Ako ang may kasalanan kung sakaling may mapahamak.
" Ayos ka lang ba Allaode? Namumutla ka " pansin sa akin ni Styll.
" Huwag kang matakot. Gagawa ng paraan ang konseho ng ating paaralan para maging ligtas tayo " sabi naman ni Miyuki.
Isang pilit lang na ngiti ang naiganti ko sa kanila. Hindi ako natatakot para sa aking sarili. Natatakot ako sa iba dahil baka mapahamak sila.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa maihatid nila ako sa aking silid ngunit hindi naman ako mapalagay dahil naiisip ko ang narinig ko na nahuli nilang ibang lahi.
" Hindi ako mapapalagay dito. Kailangan kong pumunta sa kanila " hindi ko palagay na sabi.
Kinuha ko ang bag ko na naglalaman ng maskara na bigay sa akin ng kapatid ni Sage at damit na may pantalukbong sa ulo. Naglibot ako kaagad upang hanapin kung saan dinala o itinago ang nahuli nila. Mapapalagay lang ako kung malalaman kong ibang nilalang iyon.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...