Hindi na ako nakatungo kahapon sa silid-aklatan dahil nakatulog ako. Balak ko sana na ngayon tumungo dahil tapos na naman ang klase ko kaso sa akin pala nakaatas ang paglilinis ng silid-aralan namin.
" Allaode " nakangiting tawag ni Nelo sa aking pangalan.
Hinihinto ko ang pagliligpit ng gamit ko " Bakit? " tanong ko.
" Gusto mo bang tulungan kitang maglinis? " tanong nya na tila ba nahihiya.
Masasabi kong mabait si Nelo kaya marami syang kaibigan. Bukod doon ay makisig syang lalaki kaya marami ring humahanga sa kanyang mga kababaihan. Dito nga lang sa room ay gusto na sya ni Darcey na kaibigan ni Mayuki.
" Hindi na kailangan dahil ako na ang tutulong sa kanya dahil may pag-uusapan kaming importante " napatingin ako kay Xeriol na matalas makatingin kay Nelo kaya muli akong napatingin kay Nelo na natakot sa paraan ng pagtitig sa kanya.
Ano naman kaya ang pag-uusapam naming importante at kailangan pa nyang tingnan ng masama si Nelo? Ang pagkakatanda ko lang ay may iuutos dapat sya sa akin kahapon subalit nagmamadali rin syang umalis.
" Sige Alloade, sa susunod na lang kita tutulungan " paalam ni Nelo.
" Salamat sa alok mo. Mag-ingat ka na lamang sa pag-uwi mo " nakangiti kong sabi sa kanya. Nagmamagandang loob na nga lang sya, napasama pa.
Nag-umpisa na akong maglinis. Kumuha ako ng walis saka nilinis ang ilalim ng mga lamesa't upuan ng mga kaklase ko. Hindi naman marumi dahil may disiplina sila kung saan itatapon ang mga basura. Matapos ay inayos ko na ang upuan at isinara ang mga bintana. Ang kaninang nagsabi na tutulungan akong maglinis ay pinapanood lang ako habang nakaupo sa lamesa ng mga guro.
Matapos kong gawin ang tungkulin ko, pinansin ko na si Xeriol na taimtim pa ring nakatingin sa akin. Napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya lumalapit ito sa akin kaya naman tumungo ako sa lamesa ko upang kuhanin ang backpack ko. Pagharap ko ay nasa harap ko na sya.
" May isa pang paraan para malaman ko kung ikaw talaga ang napali ng cryptus ko " seryoso nitong saad ko.
Napaatras ako ng bahagya sa kanya ngunit bago pa man ako makalayo ng matagal, dumampi na ang labi nya sa akin. Dilat ang mata kong nakatingin sa kanya na nakapikit pa. Na sa katinuan naman ako kaya itinulak ko sya ng mabilis.
" N-nasisiraan ka b-ba ng ulo? Pareho k-kaya tayong lalake! " naghalo-halo na ang emosyon ko. Nahihiya, namumula at naguguluhan ako sa ginawa.
Nanatili syang nakatingin. Seryoso ang mga titig nya at hindi man lang sya nasindak sa pagsigaw ko. Eto na naman sya sa tingin dinadaan ang lahat. Pwede naman nyang sabihin ang mga nasa isip nya.
" Isarado mo ng maigi ang mga pinto " seryoso nitong sabi saka lumabas.
" Baliw ba 'yon? " tanong ko sa sarili ko.
Humakbang na ako para maglakad ng maramdaman kong mabigat sa dibdib ko. Sa hindi ko alam na dahilan ay kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Napatakip rin ako sa aking bibig dahil sa hikbing lumalabas dito.
Napakabigat sa dibdib. May nararamdaman akong napasakit sa puso ko na para bang may malungkot na nangyari tulad ng nawala sila Mama at Papa. Ganito ang nararamdaman ko ngayon sa hindi ko alam ang dahilan. Anong nangyayari sa akin?
Lumingon ako sa paligid. Nagbabasakaling may ibang tao na nandito at ginagamitan ako ng kakayahan nila kaya ako nagkakaganito ngunit wala namang ibang tao sa loob.
Umupo muna ako upang pahupain ang nararamdaman ko. Ilang sandali lang, nawala na ang bigat at sakit na nararamdaman ko. Hindi na rin ako umiyak pero pakiramdam ko may nawala sa akin. At hindi ko alam kung ano iyon.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...