Ika-27 Kabanata ( Unang parte )

6.7K 323 21
                                    

Ngayong araw ay namili kami ng iba't-ibang bagay at pagkain na ipapasalubong namin sa mga kalahing naghihintay sa amin. Alam kong hindi magandang balita na ang makakalaban namin ay ang mga cuncilum pero titiyakin ko naman na mananalo kami sa laban upang kahit papaano ay mapawi ang masamang balita.

" Maraming salamat po " nakangiti naming sabi matapos makabili sa isang tindahan ng mga libro.

" Sigurong matutuwa si Kuya Ulric kapag nalaman nyang naibili ko sya ng libro na may kinalaman sa bituin " kita ko sa mukha ni Zilla ang saya at sabik na makita na ang kanyang kapatid.

Sunod naman naming pinuntahan ay bilihan ng mga tela para naman sa ina ni Odette na hilig manahi ng mga damit. Bumili rin na kami ng iba't-ibang pangdisenyo sa mga damit.

Habang naglalakad kami sa pamilihan ay hindi rin magkamayaw ang mga nakikita naming bumibili sa mga bangketa. Magaganda rin ang kanilang tinda at mura pa kaya nakakaenganyong bumili.

" Maaari ko po bang tingnan ang panaling ito sa buhok? " tanong ni Cephas sa matandang nagbebenta ng mga gamit ng mga babae tulad ng alahas at mga panali sa buhok.

" Oo naman iho " ngiti ng matanda kaya kinuha ni Cephas ang isang klip sa buhok na may disensyong bulaklak na ang talulot ay may makulay na dyamante.

" Sa tingin mo ba ay magugustuhan ito ni Hadria? " tanong nya sa akin.

" Oo naman. Simple lang naman ang kapatid mo kaya bagay sa kanya ang ganyang disenyo " sagot ko.

Binili ni Cephas ang kanyang napili at pumili pa sya ng iba para naman sa kanyang ina. Nagtingin-tingin pa kami sa iba na baka may magustuhan pa sya na ireregalo sa pamilya nya.

" Pwede po bang dagdagan nyo pa ng isa pa. Apat po kasi ang kapatid kong maliliit kaya baka mag-away away sila kung tatlo lang ang ibibigay ko. Sapat na lang po kasi ang pera ko " sabi ni Vashit sa tinderong nagtitinda ng bola.

Napakamot naman sa ulo ang tindero pero pinagbigyan nya si Vashit. Masayang nagtungo pa si Vashit sa ibang tindahan at napadako kami sa bilihan ng iba't-ibang uri ng kendi at matatamis na pagkain.

Bumili sya ng mga ito para sa kanyang mga kapatid. Binili naman nya ang kanyang magulang ng tsaa na hilig daw nilang inumin tuwing umaga. Ako naman bumili ng tsokolate para sa kapatid ni Sage at para na rin sa ibang bata. Nakabili na rin kasi ako kanina ng mga gamit panggawa ng maskara na hilig nyang gawin.

" Wala na ba kayong nakalimutang bilhin? " tanong ko.

" Wala na " sagot naman nila kaya nagtungo na kami sa lugar kung saan makikita namin silang muli.

----

Napakapayapa at ang sarap sa pakiramdam ng hanging dumadampi sa aming balat dito sa gubat. Hindi maiwasan ang magdaldalan at magharutan habang naglalakad kami patungo sa mga kabahayan. Medyo malapit na kami ng may mapansin ako.

" Napakatahimik naman ata? " saad ko.

Kadalasan kasi ay naririnig ko na ang mga batang nagsisigawan at mga naghaharutan kahit hindi pa ako nakararating mismo sa kabahayan.

" Baka na pagalitan sila ng mga nakatatanda " sagot ni Cephas.

Pinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Nangunguna sa paglalakad si Vashit at Odette na magkalapit at walang asarang nagaganap. Si Cephas at Zilla ay may pinag-uusapan tungkol kay Hadria dahil si Zilla at Hadria ay matalik na magkaibigan. Ako naman ay pinagmamasdan silang apat dahil natutuwa akong makita silang masaya.

Nakita na namin ang malaking dahon kung saan kapag hinawi ay makikita na ang mga kabahayan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa may maapakan ako. Tiningnan ko ang lupang inaapakan ko at nakita ko ang isang paruparo na wala ng buhay. Umupo ako upang pulutin ito ng mapansin ko ang disenyo at kulay nito.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon