Hindi ko na masyadong nausisa si Xeriol kagabi kung ano ang nangyari sa pag-uusisag sa kanya. Kaya ngayon ay nagmamadali akong tumungo sa silid-aralan upang tanungin sya. Wala namang masama kung tatanungin ko sya dahil may kinalaman ako sa naging problema nya.
Hingal akong nagtungo sa silid-aralan. Marami na rin akong nakikitang kamag-aral ko ngunit hindi ko nakita si Xeriol. Lumapit ako kay Styll nagbabakasakaling alam nya kung saan ko makikita sya.
" Magandang umaga Styll. Nakita mo ba si Xeriol? " bati at tanong ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin. " Sa labas tayo mag-usap " saad nya saka tumayo.
Sinundan ko sya palabas ng silid-aralan. Dito kami pumwesto sa balkonahe kung saan malakas ang hangin at kita rin ang mga ilang estudyante na naglalakad. Seryoso si Styll na nakatingin lang sa baba.
" Alam kong alam mo ang nangyari sa kanya. Tama ba ako, Allaode? " tanong nya.
Tumango ako bilang sagot. Bumuntong hininga naman sya na tila problemado.
" Isang linggo sya mawawala dito sa paaralan. Inalis rin ng panandalian ang kapangyarihan nya at mula ngayon ay tinanggal sya bilang presidente ng Hexagonal Officers " paliwanag nya.
" Inalis ang kapangyarihan? Hindi ba't delikado iyon para sa isang Vesta? " nag-aalala kong tanong.
" Oo, delikado ngunit alam kong makakayanan iyon ni Xeriol " sagot nya.
Ako ang may kasalanan sa mga parusang ipinataw sa kanya. Pati ba naman ang pamumuno nya sa mga estudyante bilang presidente ay tinanggal sya. Sa tingin ko ay kailangan kong makausap ang babaeng sumampal kahapon kay Xeriol. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya na walang kasalanan si Xeriol sa nangyari.
" At kaninang umaga bago sya tuluyang umalis, binilin ka nya sa akin. Lagi daw kitang babantayan kung saan ka man daw magpunta at sa oras na may mangyari sa'yong hindi maganda, tutustahin nya ako ng buhay. Anong meron sa inyo ni Xeriol? " saad nya sa akin na may halong pagtataka.
Namula naman ako sa sinabi nya. Bakit nya nasasabi ang ganoong bagay? Hindi ba sya nahihiya o hindi man lang ba nya naisip na baka bigyan ng kahulugan ang pinagsasabi nya.
" M-magkaibigan lang " saad ko. " Pumasok na nga lang tayo dahil baka mahuli pa tayo " pag-iiba ko ng usapan.
Hindi naman sya nagtanong pa kaya nakahinga ako ng maluwag. Bumalik na kami sa silid-aralan at hinintay ang aming guro.
-
Natapos ang buong klase na walang nangungulit sa akin tuwing kainan at uwian kaya mag-isa akong tutungo sa aking tinutuluyan na silid. Pagkapasok ko umupo ako kaagad sa upuan. Tila napagod ako ng walang dahilan.
Kapansin-pansin rin na hindi alam ng mga kaklase ko kung bakit wala si Xeriol. Hindi naman nagtatanong ang mga guro naman kung bakit wala si Xeriol. Marahil alam nila kung ano ang dahilan kung bakit wala sya.
" Kanina pa kita hinihintay " napatingin ako sa paligid ko ng makakita ako ng isang babae.
Tumayo ako at pumwesto sa likod ng upuan. " S-sino ka? P-paano ka nakapasok sa silid ko? " kabado kong sabi.
Ngumiti ito sa akin at tinakpan nya ng tela ang mukha. Pagkaalis ng tela, nag-iba ang itsura nya. Pamilyar ang mukha nya dahil sya 'yung babaeng niligtas ko ngunit ikinapahamak ni Xeriol.
" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya.
Nagulat na lamang ako ng lumuhod sya gamit ang isang tuhod habang ang isang tuhod ntlya ay pinatungan nya ng braso nya habang nakayuko sa aking harap. Tanda iyon na lubos kang ginagalang.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...