Huling Kabanata ( Unang parte )

7.2K 321 38
                                    

" Tumahimik ka! Anong karapatan mong magsalita ng walang pahintulot na nagmula sa akin?! " sigaw ko sa lalaking nasa aking harapan na nakaluhod.


Napayukom ako ng aking palad habang masamang nakatingin sa kanya. Pinipigil ko lamang ang sarili kong gawin ko syang abo gamit ang mga apoy ko dahil ang isang taksil na tulad nya ay hindi na dapat nagtatagal ang buhay dito.

Tumingin ako sa lalaking nasa gilid nya na katiwala ko. Ipinapahiwatig ko na ipaliwanag nya ang buong pangyayari kaya pinakinggan ko sya. Bawat salitang binibigkas nya ay inaalisa ko upang malaman ko kung anong kaparusahan ang nararapat ipataw sa kanya.

" Sa madaling salita ay binalak nyang lasunin ang mga bata sa isang bahay ampunan pati na rin ang mga tagapagdasal sa bundok Monte " paglilinaw ko sa aking narinig.

" Opo Primnus Xeriol " sagot ng aking katiwala.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at kinuha ang isang sandata na galing sa isang kawal. Lumapit ako sa lalaking nakaluhod sa kanya. Itinaas ko ang espadang hawak ko na nakita ko ang repleksyon ko sa talim.

" Maawa po kayo Primnus " halos humalik na sya sa lapag sa pagmamakaawa sa akin.

Ibinaba ko ang espada at ibinagsak sa lapag kaya napatingin sya sa akin. Kita ko sa mata nya na nakahinga sya sa ng maluwag sa aking ginawa. Napangisi na lamang ako. Akala ba nya ay mapapatawad ko sya? Buhay ng mga nasasakupan ko ang pinag-uusapan dito.

Umupo ako upang mapantayan ang kaawa-awang nilalang sa harap ko. " Pasalamat ka dahil may pinangakuan ako na hindi ako papaslang ng isang nilalang " saad ko sa kanya.

" Salamat po. Nangangako po ako na hindi na mauulit ang ginawa ko po " saad nya.

Umiling naman ako. " Nakakapanghinayang na ang isang magaling na tagapamuno sa kusina ng aking palasyo ay syang magtataksil sa akin " tingin ko ng direkta sa kanyang mata dahilan upang bumalik ang takot na nararamdaman kanina pa.

Tumayo ako at naglakad pabalik sa kinauupuan ko. Itinukod ko ang aking siko sa pasimano ng aking tronong upuan habang nakahawak ang daliri ko sa sintido. Nakatingin lamang ako sa katiwala ko sa palasyo.

" Anong kaparusahan ang ipapataw mo sa kanya, Primnus Xeriol? " tanong ni Virse Styll, ang aking kanang kamay.

" Ano sa tingin mo? " balik-tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pagngiti nya dahil sa tingin ko ay naintindihan nya na ang dapat nyang gawin. Matagal ko ng kaibigan si Styll kaya kilala na namin ang isa't-isa. Malaki ang pasasalamat ko dahil may kaibigan akong katulad nya na hindi ako iniwan lalo na ng may dumating na malaking dagok sa aking buhay. Kaya alam ko na kahit pagtaksilan ako ng lahat, hinding-hindi si Styll. Kaya nitong ialay ang kanyang buhay para sa akin at para manatili ako sa aking trono.

Itinayo ng dalawang kawal ang nanghihina ng lalaki sa aking harap. Nagagawa nya pa rin pumiglas kahit puro latay na ito gawa ng pagpapahirap sa kanya.

" Saan nyo ako dadalhin?! " sigaw nya. " Mahal na Primnus, patawarin nyo po ako " iyak nya sa aking harap.

" Iaalis nyo na sya sa aking harap " walang gana kong sagot.

" Masusunod po Primnus Xeriol " saad ng pinuno ng aking kawal na kasunod si Styll at papito-pito pa ito.

Siguro ang pinakamabigat na parusa ang ipapataw ko sa kanya, ang ipatapon sa bundok Monte. Isang sinumpang bundok kung saan hindi na nakakalabas ang mga itinatapon sa lugar na iyon. Wala ni isang nakakaalam kung anong kababalaghan ang nasa loob ng bundok dahil wala ni isang nagtatangkang alamin. Lahat kasi ng pumapasok ay hindi na nakikita pang muli. Kaya bagay sa kanya ang parusang iyon.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon