Mabigat ang pakiramdam ni Xeriol ngunit wala siyang magawa kung hindi ipagsawalang bahala ang kaniyang nararamdaman. Ayaw niyang ipakita sa iba na may iba pa siyang prinoproblema.Araw rin ang kanilang nilakbay bago nakarating sa bayan ng mga Rim. Lahat ay napapatingin sa kanila at nakikiusisa kung sino ang mga dayuhang sakay ng kabayo. Wala silang kaalam-alam na ang hari ng Vesta ang sakay ng kabayo.
Ang bayan ng Rim ay kilala pagdating sa mga salamangka, mahika, at pagkukulam. Ngunit ang kakayahang meron sila ay limitado upang hindi makasakit sa bawat isa.
Dumiretso kaagad sila sa palasyo kung saan makikita ang kanilang reyna. Tulad ng kaniyang iniisip, hinarang kaagad siya ng mga kawal na nagbabantay sa malaking pintuan papasok sa sinasakupan ng palasyo. Hindi kasi niya naabisuhan ang reyna na dadating siya.
Bumaba si Xeriol sa kaniyang kabayo at tinanggal ang talukbong sa kaniyang ulo.
" Ako si Primnus Xeriol, ang hari ng lahing Vesta " pagpapakilala niya.
Nagkatingnan ang mga kawal ngunit agad na nagbigay galang sa hari. Bago sila pinapasok ay pinagpaalam muna nila ang kanilang pagdating sa reyna bago sila tuluyang papasukin.
Wala ring pinag-iba ang palasyo sa kaniyang palasyo bukod sa kaunti lamang ang mga kawal na nagbabantay sa paligid. May mga katiwala na abala sa kanilang ginagawa.
" Hindi ka man lang nagsabi ng dadating ka upang maaga akong nakapagpahanda " salubong sa kaniya ni Wicche Luna.
Hindi mababakas sa mukha ng babae ang katandaan kahit na apatnapu ang lamang ng edad nila sa isa't isa. Hindi pa rin siya napapalitan 'di tulad ng ibang lahi na napalitan na ang namumuno o ' di kaya ay naghahanda na sa pagpapalit ng trono.
" Ipagpaumanhin niyo po ang biglaang pagdating ko dahil sa may hindi inaasahang pangyayari " sagot ni Xeriol.
Naramdaman naman kaagad ni Wicche Luna ang ipinapahiwatig ni Xeriol. Pinasamahan niya sa kaniyang katiwala ang mga kasamahan ni Xeriol sa isang silid upang makapagpahinga muna bago ihanda ang kanilang pagkain.
Samantalang si Xeriol ay sumama kay Wicche Luna na nagtungo sa kaniyang tanggapan. Naghanda ng maiinom si Luna na inabot niya kay Xeriol bago umupo ito sa harap niya.
" Anong problema ang inyong kinakaharap na mukhang may kinalaman ang aming lahi? " tanong ni Wicche Luna bago humigop na mainit na tsaa.
Hindi na nagpaligoy pa si Xeriol. " Ang salamangkang Fierob ay muling ginamit " saad niya.
" Imposible " lapag ni Luna sa kaniyang iniinom.
Malalim ang usapan kapag tungkol na sa fierob dahil ito ang dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa magandang ugnayan ng mga Vesta at Rim. Ngayon ay naging ayos na ang lahat ay maaaring manumbalik ang galit ng mga Vesta sa mga Rim na ayaw mangyari ni Wicche Luna sa kaniyang pamumuno.
" Kahit ako ay ayaw kong maniwala ngunit nakita ng aking dalawang mata ang mga sulare. Marami ng namatay na mga bata ng dahil sa kanila. Nababalot na rin ng takot ang aking nasasakupan dahil sa nangyayari " saad ni Xeriol.
" Matagal ng pinagbawal ang itim na salamangkang 'yan. Pinatay lahat ng mga may alam sa fierob pati buong angkan nila. Ang mga libro o anumang kasulatan tungkol sa pagpapagawa ng fierob ay sinunog rin. Wala na ni isang bakas ang tungkol doon " salaysay ni Luna sa hari.
May naramdaman ring kaba kay Luna sa hatid na balita ni Xeriol dahil alam niya kung gaano kadelikado ang itim na salamangka na 'yan. Siya na bilang reyna ay hindi alam gawin ang salamangka dahil sa kasaysayan na lamang ito nababanggit.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasiaNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...