Matapos naming manatili sa loob ng jartsena ay inilabas ko na sya. Gamit ang kabayo kong dala, nagtungo kami sa aking palasyo. Kita ko sa mukha nya ang pagkamangha sa kanyang nakikita kaya napapangiti ako sa pagiging inosente nya. Lahat ay nagtataka ng may kasama akong iba.
" A-allaode! " sigaw ni Styll mula sa may kalayuan. Talas talaga ng mata nito.
Lumapit ito kay Allaode na puno ng pagkamangha at pagkagulat sa kanyang nakita. Niyakap nya si Allaode na sya naman agad kong pinaghiwalay.
" Damot naman nito " saad nya sa akin ngunit bumaling muli ng tingin sa mahal ko. " Ang tagal nating hindi nagkita. Akala ko natigok ka sa laban mo. Paanong nangyari na buhay ka? Pero nagpapasalamat ako na buhay ka. Wala ka pa ring pinagbago " kausap nya kay Allaode habang nakangiti.
" Ikaw rin walang pinagbago, Styll. Mas lalo ka pang kumisig at gumandang lalaki " puri ni Allaode na sya namang ikinamot ng batok.
" Inuuto ka lang nyan " pangbabasag ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.
" O sya sige sa susunod na lang tayo mag-usap dahil marami pa akong gagawin dahil may isa dyan, sa akin pinapasa ang trabaho na dapat sya ang gumagawa " parinig nya sa akin bago ito tumakbong paalis dahil alam nyang makakatikim sya ng malakas na batok.
" Pinapahirapan mo pa rin sya hanggang ngayon? " napatingin ako kay Allaode na nakatingin sa akin.
" Tungkulin nya rin iyon bilang kanang kamay ko " sagot ko. Naglakad na kami patungo sa aking silid upang gumawa na ng bata. Biro lang.
Gusto nyang magtungo kay Cephas upang bisitahin sya pati na rin ang ibang namayapa na kasamahan nya. Gusto rin daw nyang puntahan ang pamilyang Letavez kaya sumang-ayon ako sa gusto nya.
-
Gamit ang sasakyan, nagtungo kami sa lugar ng mga Comzwene. Kita sa paligid na malaya na silang gawin ang nais nila. May mga bata na naglalaro sa mga palaruan, may mga namimili at nakikipag-usap sa tindera. Kita ko sa mukha ni Allaode ang kasiyahan sa kanyang nakikita. Eto naman kasi ang nais nya noon pa.
" Narito na po tayo " saad ng nagmamaneho na sya na ring nagbukas ng aming pintuan.
Nasa harap kami ng isang malaking palasyo na kulay asul. Maraming mga halaman at bulaklak na nakapaligid. Sa labas ay may mga kawal na nagbabantay na syang nagpoprotekta.
" Magandang umaga Primnus Xeriol at-- " kita ko ang panlalaki ng kanyang mata ng makita si Allaode. Hindi na ako nagtaka dahil kilalang-kilala si Allaode ng lahat na itinuring nilang bayani sa kanyang ginawa.
" Dalhin mo ako sa inyong pinuno " saad ko sa sumalubong sa amin na agad na naglakad.
Hawak ko ang kamay ni Allaode habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang silid. Kita namin si Cephas na may binabasang mga papeles sa ibabaw ng kanyang lamesa.
" Dyo Cephas " tawag sa kanya ngunit hindi man lang sya nag-abalang tumingin o hindi nya naririnig. Hindi rin kasi nya napansin na narito na kami sa loob ng silid.
" Cephas " si Allaode na ang tumawag sa kanya na syang ikinahinto nya sa pagbabasa at marahang tumingin sa gawi namin.
Gulat na gulat sya na nakatingin kay Allaode na nakangiti sa kanya. Mabilis syang nagtungo sa harap nito at iniluhod ang isang tuhod na nakapatong ang braso kung saan sya yumuko tanda ng paggalang sa kanya.
Inalalayan sya ni Allaode na tumayo at mabilis niyakap. " Ang tagal nating hindi nagkita. Masaya akong makita na ikaw ang namumuno sa ating lahi " saad ni Allaode.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...