Ikatlong Kabanata

9K 398 11
                                    

Marami akong gustong malaman tungkol sa mga Lapidoptera ngunit nakakaramdam ako ng takot. Matagal ko ng itinatanggi sa sarili ko na may lahi akong Lapidoptera dahil sa banta sa buhay ko. Paano kaya kung Lapidoptera ang pinili ko kaysa sa pagiging Vesta? Ano kaya ang magiging buhay ko?

Hindi pa kasi ako nakakatungo sa kanilang lugar at wala pa akong nakikitang tulad nila. Noong bata ako, tanging si Mama lang ang natatanging Lapidoptera na kilala ko dahil lumaki ako sa loob ng mansyon.

" Alloade! "

Napatingin ako sa lalaking sumigaw sa aking pangalan, si Styll. Kasunod nyang naglalakad papasok sa loob ng room si Xeriol na halatang pagod. Pinagmamasdan ko lang sya habang patungo sa upuan nya sa harap.

" Alloade " nakangiting tingin sa akin ni Styll. Hindi ko napansin na nasa harap na sya.

" Bakit? " tanong ko.

" Wala lang. Nabalitaan ko kasi 'yung nangyari sa'yo. Ayos ka lang ba? " tanong nya kaya tango ang isinagot ko sa kanya. " Paniguradong mapaparusahan ang mga pasaway na 'yon " saad pa nya.

" Ano ang pwedeng gawin sa kanila? " tanong ko. Dahil talagang mahigpit nilang pinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan sa loob ng paaralan. Halata rin naman noong nasusunog ang storage ro, hindi lahat gumamit ng mga natatangi nilang kakayahan kung hindi si Xeriol at Xaeri lang.

" Paslangin " seryoso nyang sagot na ikinagulat ko. " Biro lang " tawa nya.

Nakahinga ako ng maluwag. " Kung hindi ako magkakamali, tatanggalin ang kapangyarihan nila. Kawawang mga bata " saad nya.

" Pwede ba 'yon? " muli kong tanong.

Kinunotan naman nya ako ng noo. " Vesta ka ba talaga? " takhang tanong nya.

Kinabahan naman ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin. Imposible namang alam nya dahil sa loob lang ng dorm ko pinapalabas ang mga paru-paro ko.

" Maaari 'yon Allaode " sagot ni Mayuki kaya sa kanya ako napalingon. " Kaso mahihirapan ang mga pasaway na 'yon dahil maaari nilang ikamatay ang pagtanggal sa kanilang kapangyarihan. "

Naging interesado ako sa sinabi nya dahil paano kung patanggal ko ang pagiging Lapidoptera ko at maging Vesta na lang, maaari na akong mabuhay ng normal. Walang kinakatakutan at hindi nag-iisip na may magtatangka sa buhay ko.

Haaaaay! Umaasa na naman ako.

" O sige balik na ako sa upuan ko, may gagawin pa ako. Kinamusta lang kita " sabay kindat sa akin ni Styll bago ito umalis.

-

Matapos ang buong klase sa araw na ito, iniligpit ko na ang mga ginamit ko sa huling subject. Nauna na rin si Mayuki kasama ang mga kaibigan nya.

" Xeriol, mauuna na ako. Kanina pa ako hinihintay ni Noam. " nagmamadaling paalam ni Styll sa nakadukdok  na si Xeriol.

Napansin ko naman na kami na lang ni Xeriol  ang natitira sa loob ng klase. Sinukbit ko na ang bag ko saka naglakad. Napansin ko naman na hindi gumagalaw si Xeriol kaya naisip kong magpasalamat na sa kanya ng personal.

Lumapit ako sa kanya at naglakas loob magsalita. " Xe...xeriol...Ahm... Ano? Salamat " nauutal kong sabi.

Hindi sya umimik kaya nagdesisyon na akong umalis ngunit bago pa man ako makalakad, nagulat ako ng bigla syang sumigaw habang ginugulo ang buhok nya.

" May nakalimutan pa akong gawin! Pagod na akooo! " sabi nya.

Mukhang pagod na talaga sya. Nangangalumata na rin ang mata nya.

" Gusto mo bang tulungan kita? " bigla kong sabi.

Nagulat naman sya ng makita ako sa gilidan nya. " Anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa? " takhang tanong nya.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon