Ika-21 Kabanata

7.4K 372 57
                                    

Lumipas ang isang linggo na pinagsasabay ko ang aking pag-aaral at matinding pagsasanay dahil sa darating na nomosran. Usap-usapan na ng mga estudyante kung saan sila tutungo o mamasyal sa dalawang linggong walang klase dahil sa selebrasyon ng nomosran.

" Sino nagbigay ng singsing mo? " pansin ni Miyuki ng inabot ko ang hiniram kong kwaderno sa kanya.

" Sino pa magbibigay nyan sa kanya? Saka ang tagal nya ng suot 'yan at ngayon mo lang napansin " sagot ni Styll.

Tumingin si Miyuki sa gawi ni Xeriol kung saan ay patungo na dito sa pinaghihintayan namin. Narito kasi kami sa pahingahan ng mga estudyante upang kumain at manatili muna bago umuwi.

" Inaya ka na ba nyang magpakasal? Hindi naman halatang nagmamadali sya "

" Hindi. Ibinigay nya lamang sa akin ito bilang paghingi ng tawad sa kasalanang ginawa nya " paliwanag ko.

Naniwala sila sa sinabi at hindi na nagtanong. Sakto namang dumating si Xeriol na may dalang mga pagkain para sa amin kaya agad kaming kumain.Nagkwentuhan na rin kami.

" Saan kayo magbabakasyon sa darating na dalawang linggong walang klase? " napatingin ako kay Styll.

" Hindi ko pa alam baka manood na lang ako ng nomosran " sagot ni Miyuki na ikinaubo ko.

Inabutan ako ni Xeriol ng tubig kaya agad kong ininom. " Ayos ka lang ba? " tanong nya kaya tumango ako.

Ang nomosran ay isang paligsahan kung saan sumasali kahit sino. Hindi kinikilala ang estado mo sa buhay o kung sa anong lahi ka nabibilang dahil may kalayaan ang lahat na sumali. Ang nagwawagi sa paligsahang iyon ay binibigyan ng isang kahilingan. Kaya kailangan naming manalo upang hilingin na kilalanin ang lahi namin bilang bagong lahi.

Hindi nila maaaring tutulan ang isang kahilingan ng nanalo dahil nakalagay sa batas ng nomosran na kamatayan ang katumbas na paglabag nito. Isa kasing tradisyon na ng buong lahi ang okasyong ito bilang paggalang sa nagtatag ng mga lahi.

" Balak ko rin kasing manood. Kayo ba Allaode at Xeriol may balak kayong manood? " tanong ni Styll. " Ay oo nga pala, kasama ka ng iyong ama sa panonood " alala ni Styll.

Tumingin ako kay Xeriol na huminga ng malalim. " Ganoon na nga ang mangyayari. Lahat kasi ng pinuno ng bawat lahi at sunod na tagapagmana ay kailangan nandoon upang maging patas ang paghahatol sa mananalo. Ikaw ba Allaode? " sagot ni Xeriol at tanong nya sa akin.

" Hindi ako makakanood dahil may pupuntahan kasi kami " sagot ko.

Hindi nila pwede akong makilala na nakikipaglaban sa araw na iyon. Lalo pa't nandoon si Xeriol na isang hurado kaya ayaw kong magkaroon ng isyu sa magiging hatol. Bakit hindi ko naisip na maaaring manood ang mga kaibigan ko?


-

Matapos ang klase ay nagsi-uwian na kami. Syempre kasama ko na naman si Xeriol sa tinutuluyan ko. Ibinaba ko ang bag ko saka nagdiretso sa kusina upang uminom ng tubig kasunod pa rin si Xeriol.

" Dalawang linggo kitang hindi kita makikita " sabay yakap nito kaya muntikan ng matapon ang tubig sa baso na hawak ko sa likudan nya.

Eto na ata ang pagkakataon ko para masabi ko sa kanya ang matagal ko ng pinaplano. Humiwalay ako sa pagkayakap nya at inilapag ang hawak kong baso.

" Xeriol, may sasabihin akong mahalaga pagkatapos ng nomosran. " seryoso kong sabi sa kanya.

Buo na ang desisyon ko na sasabihin ko sa kanya ang pagkatao ko. Kung hindi nya ako matatanggap, wala na akong magagawa pero kung tatanggapin nya ako magiging masaya ako. Dahil hindi naman buong buhay ko maitatago ang sikreto ko.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon