Ika-13 Kabanata

6.7K 344 26
                                    

Napakabigat ng pakiramdam ko ngayong araw. Pakiramdam ko ay may pasan-pasan akong hindi ko na kayang dalhin. Hindi ko pa rin makalimutan ang huling sandali ni Sage bago ito naging abo. Hanggang sa huli ng buhay nya ay naging tapat sya sa mga kauri nya..namin.

Idagdag pa ang naganap sa amin ni Xeriol. Hindi ko sya nakita sa harap ng tinutuluyan ko ngayong umaga kaya paniguradong iiwasan nya na ako. Hindi ko naman pinagsisihan ang mga sinabi ko dahil alam kong tama iyon, ngunit merong salita na gusto kong itama.

Bakit ngayon ko lang kasi naamin sa sarili ko na mahal ko na pala sya?! Lagi kong itinatanggi na iba ang nararamdaman ko. Kung hindi pa nanggaling sa iba ang nararamdaman ko, hanggang ngayon siguro ay ititatanggi ko pa rin. Ngunit wala na dahil nahanap nya na ang kabiyak nya. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

" Allaode " napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Nakita ko si Mayuki na kumakaway sa akin habang nasa gilidan nya si Styll, Darcey at Xeriol. Lumapit ako sa kanila at ngumiti.

" Saan ka pupunta? " tanong ni Styll sa akin.

" Sa silid-aralan " sagot ko.

" Klase ngayon ni Mr. Bertoldo. Nakalimutan mo ba? " tanong ni Mayuki kaya naalala ko.

" Oo nga pala " napakamot ako ng ulo. Dahil sa mga nangyari ay nakalimutan ko kung ano ang klase namin.

Sumunod na lang ako sa paglalakad nila. Si Mayuki, Styll at Darcey ay may pinag-uusapan samantalang tahimik lamang ako. Medyo hindi ako komportable dahil sa nangyari kahapon.

" Allaode " napahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Xeriol.

" B-bakit? " tanong ko at muling naglakad. Medyo nagulat ako sa kanyang pagtawag. Akala ko kasi hindi nya ako papansinin.

" Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagtapos ng ating klase? " tanong nya.

Nararamdaman ko na nakatingin sya sa akin kaya hindi ko magawang lumingon sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa harapan ko.

" B-bakit hindi mo na lang sabihin ngayon? " normal kong sagot. Ayaw ko ipakita na kinakabahan ako sa harap nya.

" Sigurado ka bang gusto mong sabihin ko kahit nasa harap sila " pilyo nitong sabi sa akin kaya napatingin na ako sa kanya.

Ako lang ba ang hindi makaintindi sa ugali nya? Naguguluhan ako sa kanya. Hindi madaling hulaan ang gusto nyang mangyari. Ganyan ba talaga sya?

" Sige mamaya na lang " sabi ko na lang sa kanya.

Nagulat na lamang uli ako ng bigla nya akong inakbayan na parang walang nangyari sa amin. Nagtatakha akong tumingin sa kanya pero ngiti lang ang ginanti nya. Gusto kong tanggalin ang braso nyang nakapatong sa balikat ko pero gusto ko rin na malapit kami sa isa't-isa.

Nakarating kami sa himnasyo kaya umupo na kami sa lapag. Ngunit nagulat na lamang ako ng makita ko si Sage sa kabilang pila. Lumingon ito sa akin at nginitian ako ngunit iniwasan ko sya ng tingin.

Imposibleng sya si Sage. Nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano sya paslangin ng mga cuncilum. Kaya sino sya?

"Allaode, namumutla ka. Ayos ka lang ba? " pansin ni Mayuki sa akin na nasa harap ko.

" O-oo " sagot ko na lang sa kanya.

Hindi mapalagay ang isip ko. May posibilidad na gamitin nila ang itsura ni Sage upang malaman kung saan nagtatago ang mga may dalawang lahi at paslangin sila. Kung iyon man ang dahilan nila, paniguradong marami ang mamamatay.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon