II - Ikalabing- isa

2.8K 162 28
                                    

Idinilat ni Allaode ang kaniyang mata nang bigla niyang maramdaman ang malamig na tubig na ibinuhos sa kaniyang mukha. Nakagapos ang dalawang kamay niya pataas pati na rin ang mga paa nito ay tinalian rin.

Hindi niya magamit ang kapangyarihan dahil sa ikinabit nila sa leeg niya upang pigilan ang anumang kakayahang maaari niyang gamitin. Nakakaawa ang kalalagayan niya.

" Nasaan ang anak ko? Nakikiusap ako na huwag niyo siyang saktan "

Muli na namang lumuha ang kaniyang mata ng maalala niya ang kaniyang anak na kasalukuyang nasa kanila. Natatakot na baka pinapahirapan nila ito katulad ng kalalagayan niya. Hindi niya maisip na nasa ganitong sitwasyon rin ang anak niya pati na rin si Elu.

" Kailan ba natin siya tatapusin? Dapat maisagawa na ang fierob sa lalong madaling panahon " boses ng babaeng nakaitim.

" Nakikiusap ako huwag niyo ng idamay anak ko. Ako na lang ang pahirapan niyo " salita ni Allaode na nakatanggap na isang hagupit ng latigo.

" Itigil mo na 'yan Shera. Kailangan na nasa magandang kondisyon ang kaniyang katawan. "

" Baka nakakalimutan mo na katawan niya ang gagamitin natin "

Hindi maintindihan ni Allaode ang gagawin sa kaniya pati na rin sa anak niya. Ngayon, nararamdaman niya na ang anak na wala siyang magawa para sa anak niya.

Tinanggal ng dalawang kalalakihan ang kadenang nakakabit kay Allaode at inalalayan ito itayo. Nagtungo sila sa isang silid at inayusan naman siya ng mga kababaihan. Ginamot ang mga sugat at binihisan ng magandang kasuotan.

Hindi siya nagtatanong dahil wala namang sasagot sa kaniya. Sa oras naman na pumalag siya ay makakatanggap lang siya ng sakit kaya mas pinili niya na lang tumahimik at obserbahan ang nangyayari sa paligid.

Matapos nito ay dinala muli siya sa isang silid at iniwan. Walang ibang nilalang sa loob kaya mabilis siyang humanap ng malalabasan. Tiningnan niya ang bintana ngunit nakasara ito. Walang anumang butas na puwede niyang labasan. Napaupo na lamang siya sa dulo ng kama at tanging dasal na lang ang magagawa niya.

Narinig naman niya ang pagbukas ng pintuan kaya napatingin siya dito. Nakita niya ang kaniyang anak pati na rin si Elu. Sinalubong niya ng yakap at halik ang anak ng makita itong buhay ganon tin si Elu.

" Papa Allaode, sabi nila ay papaalisin nila tayo kapag binigay ko ang kapangyarihan ko sa kanila " agad na salita ni Salvare.

Tiningnan niya kaagad ang braso ang anak. Namumula ito kaya nalaman niyang wala na dito ang porselas na ibinigay niyang proteksyon. Napansin niya rin ang kuwintas nito sa leeg ngunit si Elu ay walang tulad ng kanila.

" Itatakas ko kayo dito " saad ni Elu.

Ngumiti naman si Allaode sa sinabi ng bata. " Maghintay na lamang tayo hanggang dumating si Xeriol. Alam kong hinahanap na tayo ng inyong ama " sabi ni Allaode.

Alam niya kasing hindi sila makakatakas sa mansyon kung nasaan sila. Maraming nagbabantay sa paligid o di kaya naglagay pa ng harang upang mabantayan ang galaw nila.

" Kaya ni Elu na iligtas tayo " salita ni Salvare kaya napatingin si Allaode kay Elu.

Mabilis na umihip ang hangin kaya napayakap si Allaode sa anak niya. Nakita niya na unti-unting nagbabago ng anyo si Elu. Mula sa isang bata ay naging binata ito na lumulutang kaya napalayo siya dito dahil da takot.

" S-sino ka? " tanong niya.

" Ako si wache Chas, tagapagbantay ako ng bundok Monde " pagpapakilala ng kakaibang nilalang at yumuko pa ng bahagya.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon