Ikawalong Kabanata

7.8K 384 9
                                    

Natapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko kaya sinukbit ko na ang bag ko. Binuksan ko na ang pinto ng bumungad muli, uulitin ko ang salitang muli, sa harap ng pintuan ng aking silid si Xeriol. Nakangiting bungad ang iginawad nya sa akin ng makita nya ako.

" Sabay na tayong pumasok " sabi nito sa akin.

Tango lang ang isinagot ko dahil sagutin ko man syang ng ayaw ko, alam kong ipipilit pa rin nya ang gusto nya. Masasayang lang ang lakas kong makipagtalo sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ito ang unang pagkakataong nagsabay kami sa pagpasok simula noong sumama sya sa silid ko, umpisa na iyon ng kalbaryo. Hindi lang iyon, sumasabay rin sya tuwing kakain ako at kapag uwian na ay inihahatid pa nya ako. Tinatanong ko sya kung bakit nya ito ginagawa pero ang tanging sagot lang nya ay ngiti o di kaya malalaman mo rin.

Pumasok na kami sa aming silid-aralan. Umupo na sya sa tabi ni Styll, at ako naman ay kay Mayuki.

" Anong meron sa inyo ni Xeriol? Kailan pa kayo naging malapit sa isa't-isa? " tanong ni Mayuki sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako dahil ako mismo'y hindi ko alam ang kasagutan. Naguguluhan na nga rin ako sa pinaggagawa nya.

" Allaode " napatingin ako sa pintuan ng silid-aralan ng medyo may kalakasan ang pagtawag sa akin ni Nelo na papalapit sa kinaroroonan ko.

May inabot sya sa akin na isang maliit na kahon na nakabalot sa isang magandang tela. Halata sa mukha nya ang kagalakan.

" Ano ito? " tanong ko.

" Buksan mo para malaman mo " nakangiti nya pa rin nyang sabi.

Binuksan ko naman at bumungad sa akin ang isang kulay pulang karton. Inalis ko ang takip at bumungad sa akin ang isang panulat na may disenyong mga paruparo.

" Hindi ko alam kung mahilig ka sa panulat pero alam kong magugustuhan mo ang disensyo " saad nya.

" Maraming salamat ngunit saan naman galing ito? " tanong ko na may halong pagkamangha.

" Kaya wala ako ng ilang araw sa klase ay nagtungo kami sa Lapidoptera kaya bumili na ako sa pamilihan ng maalala kita " sagot nya.

Mas lalo akong napamangha dahil nanggaling ang bagay na ito sa Lapidoptera. Pakiramdam ko tuloy nakatungo na ako doon dahil sa bagay na ito.

" Paano naman kami ni Darcy? " singit ni Mayuki.

Natawa naman si Nelo at agad na may kinuha sya sa kanyang bag at inabot sa kanilang dalawa. Ako naman ay natutuwang pinagmamasdan ang panulat.

Bumalik naman kaagad si Nelo sa kanyang upuan ng biglang dumating ang aming guro. Napaisip ako kung ano ang pwede kong ibigay kapalit ng ibinigay nya sa akin. Gusto ko talagang magpasalamat dahil hindi ko maipakita kung gaano ako katuwa sa kanya.

-

Matapos ang klase namin ngayon, nagpaalam na kami sa isa't-isa. Muli ko na namang kasabay si Xeriol na tahimik ngunit hindi ko ito pinansin.

" Xeriol! " napahinto ako sa paglalakad ng sumigaw si Styll na papalapit sa amin. " Pinapatawag ka ni Binibining Semele. May mahalaga daw syang sasabihin sa'yo " hingal na sabi ni Styll.

" Mauna ka na Allaode " saad ni Xeriol at naglakad na sila pabalik sa dinadaanan namin.

Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mapadako ang aking tingin sa gilidan ng isang puno. May nakatayong isang babae na nakasuot ng uniporme.

Sumenyas ito na lumapit ngunit tumingin ako sa paligid ko pero wala namang ibang tao kung hindi ako lang. Sumenyas muli sya kaya napagpasyahan kong lumapit sa kanya.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon