II- Ikasiyam

2.7K 138 18
                                    

Nakamasid si Salvare sa mga naggagandahang bulaklak sa kanyang paligid. Bawat lingon niya ay hindi mawala-wala sa paningin niya ang mga bulaklak.

" Salvare, huwag kang magpapasaway sa Papa Allaode mo. Lagi mong susundin ang kanyang bilhin. Babalik ako kaagad kapag naayos na namin ang problema " sabay halik ni Xeriol sa kaniyang anak na malungkot ang mukha.

" Bakit lagi na lang kayong may problema? " tanong ng bata.

Nagkatinginan ang mag-asawa sa tanong ng kanilang anak.

" Kasi anak may mga masasamang nilalang na kailangan pigilan ni Papa Xeriol mo para walang masaktan " sagot ni Allaode.

Hindi na nagtanong pa ang bata. Niyakap na lamang niya ang kanyang ama ng isang mahigpit.

" Bumalik ka po kaagad at lagi po kayong mag-iingat. Mahal na mahal po kita "

" Oo anak. Babalikan ko kayo " sagot ni Xeriol.

Pinatulog muna ng mag-asawa ang kanilang anak bago lumabas ng kuwartong kanilang tinutuluyan. Nagtungo sila sa isang silid kung nasaan si Dyo Cephas na kanina pa sila hinihintay.

" Ipagpaumanhin mo kung biglaan ang aking naging desisyon na dito muna manatili ang aking pamilya. " saad ni Xeriol.

" Isang karangalan na pinagkakatiwalaan mo kami Primnus Xeriol. Poprotektahan namin ang iyong pamilya sa anumang kapahamakan na sumusunod sa kanila. " paninigurado ni Cephas.

Nanatiling tahimik si Allaode. Hindi siya tumutol sa desisyon ng asawa dahil nagtitiwala siya sa kaniyang asawa. Ang hindi lang niya maintindihan ay bakit kailangan pa siya mismo ang tumungo sa bundok ng Monte. Paano kung mapahamak siya?

" Mahal ko, huwag kang mag-alala. Babalik ako kaagad. Pangako " nakangiting saad ng asawa ng hawakan niya ang kamay nito.

Ilang sandali pang pag-uusap ay tuluyan ng umalis si Xeriol. Pagpasok niya sa palasyo ng kanilang dalawang lahi ay agad niyang nakita si Cephas.

" Itutuloy mo ba ang iyong binabalak? " tanong ni Cephas.

" Oo, Cephas. " sagot ni Allaode at naglakad sila patungo sa hardin. " Hindi ko hahayaang mag-isa ang asawa ko "

" Ngunit Allaode, ikaw na ang nagsabi na wala na ang dating mong lakas. Paano kung ikaw naman ang mapahamak sa iyong gagawin? " nag-aalalang tanong ni Cephas.

Napabuntong hininga naman si Allaode. Wala na siyang maisip kung paano niya ililigtas ang kanilang anak pati na rin ang kaniyang asawa.

" Allaode, magtiwala ka kay Primnus Xeriol " napatingin si Allaode kay Cephas na nakatingin sa mga ulap. " Kita ko sa mga mata niya ang pagnanais na mailigtas kayo. Kailangan mo lang ay hintayin siya sa kaniyang pagbabalik "

Ngumiti naman si Allaode at tumingin sa kalangitan. Walang bituing makikita kaya malaki ang posibilidad na uulan ngayong gabi.

Dahil sa malakas na pagkulog, nagising si Salvare. Pagdilat niya ay hindi pamilyar na lugar ang kanyang nakita. Wala rin ang kanyang Papa Alloade sa kaniyang tabi.

" Pssst! " nakarinig siya ng bumibiswit sa kanya.

Walang naramdaman na takot si Salvare sa kaniyang narinig o kahit sa madilim niyang paligid. Hindi nagsalita si Salvare at nanatiling nakaupo sa kama hinihintay na magpakita ang tumatawag sa kaniya.

" Matapang kang bata " papuri ng nagpaparamdam kay Salvare.

Ilang sandali lang ay unti-unting lumabas sa dilim ang isang lalaki na nakausot ng itim na mahabang damit ngunit nangingibabaw ang pilak nitong buhok at ginintuang kulay ng mata.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon