Ika-25 Kabanata

7.6K 344 65
                                    

Nakasara ang kurtina na nagsisilbing pader namin sa iba pang sugatan sa naging laban nila. Gumawa rin ako ng sanggala upang hindi marinig ang aming pag-uusapan. Alam kong ipinagtataka na nila kung bakit nandito ang susunod na primnus ng Vesta ngunit ang importante ngayon ay makapagpaliwanag ako.

" Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? "seryoso pa rin sya.

Tinapik ko naman ang gilid ng aking kama upang umupo sya na agad naman nyang ginawa. Nanatiling nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin.

" Nakita mo na naman, 'diba? " sagot ko.

Huminga sya ng malalim. " Alam mo ba kung gaano ako nag-alala habang nilalabanan mo si Kleros? Gusto kitang pigilan ngunit hindi ko magawa dahil maaaring maging dahilan iyon para matanggal ang grupo nyo kaya tiniis ko ang nakita ko " sabi nya sa akin.

Wala akong nararamdaman o nakikitang may galit sya akin. Nangingibabaw pa ang tono ng pag-alala nya.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Nag-aalala ka bang pipigilan kita? " mas malumanay na ang boses nya.

" H-hindi ka galit sa akin? " nag-aalinlang kong tanong sa kanya.

Nagtataka naman syang tumingin sa akin. " Bakit naman? Dahil ba iba ka sa marami? Dalawa ang lahi mo? " tanong nya na ikinatango ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko. " Hindi magbabago ang katotohanang ikaw pa rin ang taong mahal ko kahit may nalaman pa akong iba " sagot nya.

Yumuko naman ako. Hindi ko inaasahang ito ang magiging reaksyon nya sa nalaman nya. Ang dami kong iniisip na negatibo kapag nalaman nya pero nagkamali ako.

" Bakit ka umiiyak? Masakit ba ang sugat mo? " tanong nya.

Tumingin uli ako sa kanya saka umiling bilang sagot. Pinunasan nya ang mata't pisngi ko. Ngumiti sya sa akin.

" Masaya lang ako dahil hindi ka nagalit sa akin. Akala ko kasi lalayuan mo ako kapag nalaman mo " pagsasabi ko ng totoo.

Hinawakan nya ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko.

" Alam ko sa simula pa lang " sabi nya na pinagtaka ko.

Paano? Hindi naman nya nakita na ginamit ko ang kakayahan ko bilang Lapidoptera. At napaka-imposible naman kung nanggaling ang katotohanan sa mga Letavez.

" Naalala mo noong una kitang hinalikan sa loob ng silid-aralan? " tanong nya na ikinatango ko.

' Yung bigla nya akong hinalikan kaya dilat na dilat ang mata ko sa sobrang gulat. Pagkatapos sya pa ang may ganang umalis na may sama pa ng loob.

" Nakita ko lahat " sagot nya.

" Teka nga lang.... Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Nakita mo lahat? Ang ano? " tanong ko sa kanya.

" Nakita ko na habang nasa isang hardin tayo ay nagpapalipad ka ng mga paruparo na galing sa'yong mga palad habang pinagmamasdan kita. Nakangiti ka habang ginagawa mo ang bagay na iyon at sa'yo lamang ako nakatingin " kwento nya para bang namangha sa nakita nya.

" Hindi naman tayo nagpunta ng har-- " pinutol nya ang sasabihin ko ng halikan nya.

Sinamaan ko sya ng tingin sa ginawa nya kaso tumawa lang sya. " Kapag hinalikan mo sa unang pagkakataon ang taong itinakda ng cryptus, makikita mo ang inyong hinaharap kaya nakita kitang kasama na masaya. Sayang lang dahil nakadilat ko nang ginawa ko iyon " aniya na parang nang-aasar pa.

" Sino ba naman ang hindi magugulat kung may biglang hahalik na hindi man lang nagpapaalam? " sagot ko sa sinabi nya.

Ngumiti naman ito ng pilyo sa akin. " Ibig sabihin kung nagpaalam pala ako sa'yo noon ay papayag ka "

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon