Wala ako sa sariling naglalakad dito sa loob ng paaralan dahil nakabalik na ako. Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay kung maniniwala ako sa sinabi ni Elor Tacito na buhay si Mama? Paano naman kasing mangyayari iyon dahil kung buhay si Mama, dapat binalikan nya ako sa pamilya Letavez kung saan nya ako pinapunta noon.
Sino kaya ang pwede kong tanungin tungkol sa namumuno ngayon sa mga Lapidoptera na hindi maghihinala?
Nagdiretso na lang ako sa paglalakad hanggang sa...
" ALLAODE! "
.....may biglang sumulpot sa aking harapan dahilan para mahampas ko sa kanya ang dala kong maliit na papel na bag.
" Aray naman " reklamo nya habang hilot-hilot ang nahampas kong braso nya.
" Pasensya na " hingi ko ng tawad. " Ikaw naman kasi Xeriol, bakit ka ba nanggulat? Saka anong ginagawa mo dito? Babalik ka na? " tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin habang nakatango. Ngumiti rin ako sa kanyang sinabi. Isang linggo na pala ang nakakalipas simula ng pagbawalan muna syang pumasok dito.
" Tungkol pala sa nangyari sa'yo. Gusto kong humingi ng---tsupp! " napatakip ako sa bibig ko ng bigla nya akong halikan.
Lumayo ako ng bahagya dahil sa kanyang ginawa. Muli ay ginawa na naman nya ngunit iba ang reaksyon nya ngayon. Nakangiti sya sa akin na parang natural lang sa kanya. May ginawa kaya silang kakaiba kay Xeriol habang wala sya rito?
" Nagagalak ako na muling makita ka " sabay lapit nya sa akin at hinawakan ang aking ulo habang ginugulo ang aking buhok.
" A-ano ang iyong ginagawa? " tanong ko sa kanya sabay hawak ko sa kamay nyang nasa ulo ko at ibinaba ito.
Nagtaka naman sya sa aking tinanong. " May mali ba sa aking inasta? "
" Oo " agad kong sagot. " Dahil pareho tayong lalaki at dapat ay nag-iingat ka sa iyong kinikilos kung ayaw mong mahusgahan at masira ang iyong pangalan. Tandaan mo ikaw ang susunod na pinuno ng mga Vesta " paliwanag ko sa kanya.
" Oo na. Oo na " walang buhay nyang sagot na tila wala syang pake sa kakahinatnan ng kanyang ginagawa.
Napailang-ilang na lang ako. Hindi halata sa mga kilos o salita nya na magiging pinuno sya ng isang lahi sa takdang panahon at tatawaging Primnus Xeriol.
" Mukhang may pagbibigyan ka ng regalo. Para sa akin bayan? " tanong nya at akmang kukuhanin sa akin ang hawak ko.
" Hindi ito para sa'yo. Ibibigay ko ito kay Nelo " sagot ko.
Ang nakangiting mukha nya ay biglang nagbago ang emosyon. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita kong emosyon sa kanya.
" Para kay Nelo? " ulit nya na may pagkaseryoso ang mukha.
Tumango ako. " Binigyan nya kasi ako ng regalo kaya gusto ko rin syang bigyan ng regalo bilang kapalit at pasasalamat na rin " sagot ko.
" Sige, aalis na ako " saad nya at naglakad na papalayo sa akin.
Bakit ganoon na lamang sya umasta? Wala namang masama kung bibigyan ko ng regalo si Nelo dahil binigyan nya rin ako.
" Xeriol! " sigaw ko sa pangalan nya pero hindi na sya lumingon.
Kinuha ko na lamang ang porselas na binili ko para sa kanya. Gawa sa pilak na may disensyong apoy ang aking binili na aayon sa kakayahan na meron sya. Paano ko sa kanya ibibigay ito?
-
Kinaumagahan..
Pumasok na ako sa aming silid-aralan. Nakita ko kaagad si Xeriol na nakikipag-usap sa mga kaklase ko. Lumingon sya sa gawi ko kaya ngumiti ako pero agad syang umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Elusive Butterfly (BoyxBoy)
FantasyNapakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang...