Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )

6.6K 346 46
                                    

Gumawa ako ng isang malakas na harang upang walang mangingielam sa larong gagawin namin na buhay na ang nakasasalay sa larong ito.

" Inuutusan namin na sundin nyo ang tagapamagitan " utos ni Har Kasius.

Ngunit hindi namin pinansin ang kanyang sinabi. Nagsalita pa si Wicche Luna pero hindi pa rin namin sinunod.

" Nasaan na ang iregalo mo sa amin? Baka naman pagkatalo mo ang ireregalo mo sa amin. Bukas palad kong tanggapin iyon " sabi ng nakalaban ni Vashit.

Ngumiti ako sa kanila. Ilang sandali lang ay narinig ko ang tawa ng mga bata. Nilingon ko ito kung saan kami lumabas kanina at kita ko may mga hawak sila na iba't-ibang gamit. Lima silang bata na may mga pakpak na tulad sa aking mga alaga. Hindi ko alam na may ganito akong kakayahan dahil kailan lang sila lumabas. Pero nakakausap ko sila sa pamamagitan ng aking panaginip.

Nakapasok sila sa ginawa kong harang at tumungo sila sa akin. Lumilipad sila sa aking paligid habang pinaglalaruan ang mga hawak nila.

" A-ang manika na 'yan. Sa anak ko 'yang manika na 'yan! " sigaw ng nakalaban ni Vashit.

Huminto ang isa sa mga alaga kong may asul na buhok na si Nireus na may hawak-hawak na manika. Tumatawa ito habang pinaglalaruan ang manika sa kanyang kamay.

" A-anong ginawa mo sa anak ko! " sigaw muli nya at sumugod sa akin ngunit si Nireus ang nakaharap nya at mabilis syang sinipa.

Tumalsik sya ngunit tumama lang sya sa pader na aking ginawa na hindi nakikita ng mga mata.

" Pinatay ko sya tulad ng pagpatay mo sa kapatid ni Vashit " ngiti ni Nireus. " Naalala mo pa ang pagmamakaawa ng ina nya noong pinapatay mo ang kapatid ni Vashit, ganoon rin ang ginawa ng iyong asawa pero hindi ako naawa kasi hindi ka rin naawa sa pamilya nya " dagdag pang sabi nya na parang nagkekwento lang ng isang kwentong pambata

" Ay nabasag " isang basag na salamin ang nakita ko sa aking lapag na nagmula sa kamay ni Papelion na isang batang lalaki.

" Sa kapatid ko 'yan " ang nagsalita naman ay ang nakalaban ni Zilla.

" Gusto mo bang ikwento ko sa'yo kung paano ko sya tinapos? " sabay tawa nya. " Ginaya ko lang naman ang pagpaslang mo sa nag-iisang kasama ni Zilla sa kanyang buhay. Hindi ka naawa sa kanya " kausap nya na parang kalaro lang ang pinagkekwentuhan nya.

" Kanino nga pala ito? " taas ni Thoas sa isang perlas na kwintas. " Ang natatandaan ko lang ay pinatay ko sila sa... Ay nakalimutan ko na! " napakamot sya sa kanyang ulo.

" Sa i-ina ko ang kwintas na 'yan " sabi ng kumalaban kay Odette.

" Natatandaan ko na! Ikaw 'yung pumaslang sa magulang ni Odette kaya ginaya kita " ngiti nya sa kausap nya.

" I-ibig sabihin ay-- " hindi matuloy-tuloy ang sasabihin ng kalaban ni Cephas.

" Ako! " galak na tinaas ni Limnas ang kanyang kamay. " Naawa nga ako sa kanila pero syempre ginaya kita habang pinapaslang ang pamilya ni Cephas. "

Kita ko sa mga mata nila ang mga luha. Bakit ngayon ay umiiyak sila? Bakit hindi nila naisip na habang pumapaslang sila ng tulad ng lahi ko ay may pamilya ring naghihintay sa mga ito?

" Allaode! Huwag mong gawin ito! " napatingin ako sa labas ng entablado. Nakita ko si Jjani Thyia na lumuluha habang pinipilit na pumapasok sa harang. " Anak... " muli nyang tawag sa akin.

" Jjani Thyia " tawag ko sa pangalan nya.

Gusto kong puntahan at yakapin sya at paulit- ulit kong tawagin ang pangalan nya ngunit kung gagawin ko iyon ay mas lalo syang masasaktan..

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon