II- Ikatlo

5K 191 55
                                    

Lumabas ng kanilang silid sa Allaode ng mapansin nyang mahimbing ng natutulog ang kanyang asawa ganon rin ang kanyang anak. Tumungo ito sa kabilang kwarto na lalagyanan ng mga libro. Naglakad sya patungo sa dulo ng mga silid-aklatan ng makita nito ang isang malaking salamin.

Walang pagdadalawang isip na hinawakan nya ang salamin na tumagos naman na tila may butas ito. Pumasok sya sa loob hanggang sa dalhin sya nito sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy at napapaligiran ng iba't-ibang kagamitan na gamit sa pangkukulam, orasyon at mahika.

" Anong ginagawa muli ng asawa ng primnus sa aking tahanan? "

Lumabas ang isang babae mula sa kwarto na may mahabang mapuputing buhok na hindi tanda ng katandaan, kundi tanda na isa syang magaling sa kanyang larangan bilang isang Rim.

" Gusto lang kitang makita, Evelina " sagot ni Allaode at umupo sa isang upuan na gawa sa kahoy ngunit detalyado ang mga disenyong nakaukit.

Naglakad patungo si Evelina sa harap na upuang kinauupuan ni Allaode at umupo dito. Isinara nya ang dala nyang librong itim na may kinalaman sa pangkukulam at tumingin sa kanyang panauhin.

" Dapat ba akong matuwa sa sinabi mo kahit iba ang nakikita ko? " ngiti nito na tila alam nya ang dahilan ng pagtungo sa kanya ni Allaode.

Napabuntong hininga si Allaode. " Wala akong ibang mapupuntahan para matulungan ako " sagot ni Allaode.

Si Evelina ay isang napakahusay na Rim sa kanilang lahi. Nagkakilala sila noon pa nang nagsasanay sila sa paligsahan ng nomosran dahil si Evelina ang syang nagturo ng iba't-ibang taktika kay Cephas dahil ang ina ni Cephas ay kapatid nya.

" Ang problema ng lahing Vesta ay hindi prinoproblema ng anumang lahi. Alam mo naman na labag sa batas ng ating lahi ang ginagawa kong pagtulong sa'yo. Sa oras na malaman ito ng lahing Lapidoptera, may parusang naghihintay sa ating dalawa " pagpapaalala ni Evelina kay Allaode.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Allaode. Alam naman nya ang bawat batas ng isang lahi. Hindi maaaring tumulong ang isang Rim sa isang Vesta lalo na kung malaki ang magiging epekto nito sa buong lahi. Kailangan munang huminga ng pahintulot ang isang lahi sa Lapidoptera upang sumang-ayon na tulungan sila ng ibang lahi. Dahil iba-iba ang kanilang batas at alituntunin na sinusunod kaya kailangan mag-ingat sa bawat hakbang na gagawin.

Ngunit para sa anak nya, gagawin nya ang lahat. Hindi na nagagawang isipin ni Allaode ang kakahinatnan ng ginagawa nya sa huli.

" Sa tingin mo ba kailangan ko pang isipin 'yan? " tanong ni Allaode. " Evelina, alam mo na lahat gagawin ko para sa pamilya ko lalo na sa anak ko "

" Alam ko kaya ka nga nandito " sagot ni Evelina. " Naisuot mo na ba ang porselas na ibinigay ko sa anak mo? " tumango naman si Allaode bilang sagot.

" Huwag mong kakalimutan na dasalan iyon ng ibinigay kong dasal upang mas lalong lumakas at bumisa ang kakayahan ng porselas. Hangga't na sa kanya ang porselas ay hindi sya magagalaw ng magtatangka sa kanya. " paliwanag muli ni Evelina sa kakayahan ng porselas.

Tumango naman si Allaode bilang pagsagot. Tumayo naman si Evelina at nagtungo sa isang aparador na para bang may hinahanap sa kanyang mga gamit.

" Hindi ko masabi kung maswerte o malas ang iyong anak " pagsasalita ni Evelina habang may hinahanap ito.

" Maswerte ang anak ko " mabilis na sagot ni Allaode.

" Walang duda ang sinabi mo. Sya lang naman ang nag-iisang nilalang na nagtataglay ng malakas na kakayahan. Mula sa kanyang Lola na pinuno ng Lapidoptera, at Lolo na dating pinuno ng sandatahang guer na dapat ay sunod na pinuno ng mga Vesta. Ang ama naman nya ay pinuno ngayon ng lahing Vesta at ang isa pa nitong ama ay may malakas na dalawang lahi ng Lapidoptera at Vesta na lubos na ginagalang ng lahing Dyo. Sino ba naman ang hindi maghahangad na kuhanin sa'yo ang iyong anak upang mapasakanila at makuha ang kakayahang meron sya? " mahabang litanya ni Evelina.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon