Kabanata 2

148 18 29
                                    

Pagkatapos ng oath taking ay binigyan ako ng pagkakataon na magsalita sa harap ng buong St. Joseph Academy crowd.

"Good Morning everyone, I know I look familiar and most of you knows me already but I would still like to introduce myself. I am Jean Gabrielle Sinsoro the newly elected President of SC. On behalf of the Student Council officers, I would like to thank all of you in cooperating for our election held few days ago, we wouldn't be here if not because of you guys so thank you. You just don't know how grateful we are for giving us a chance to prove ourselves in leading the whole student body so in return we promise to do our very best to compensate all the trust that you had given into us." I stop and took a deep breath. "But of course we still need your cooperation in everything, let's do the give and take relationship, take what we give and give what you had take because we wanted nothing but only the best for our beloved school. So since some were already bored I wouldn't make this any longer, that would be all and again thank you Josephians! Good day." Nagapalakpakan ang lahat matapos kong magsalita.

Bumalik na ang lahat sa kani kanilang klase pero nagpaiwan ang officers at pumunta sa SC office dahil kakausapin daw kaming mga officers ng SC Adviser. Pero hindi naman ito tumagal kasi alam naman niya na may mga pasok kaming lahat. May mga sinabi lang siyang paalala tapos kinilala kami isa isa.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa klase ko kasama ang unggoy na si Ciudadano. Bakit? Kasi kaming dalawa lang naman ang grade 12 sa officers kaya wala akong takas dahil pareho ang building namin at magkatabi pa ang kwarto.

Hindi siya nagsasalita ganoon rin ako, I keep myself calm kasi gusto ko siyang kausapin pero ayoko na ako ang mauunang kumausap sa kanya, gusto kong humingi ng tawad dahil sa mga narinig niyang panghuhusga mula sa akin but then again I don't want to start the topic.

Tahimik ang dinadaanan namin kasi halos lahat ng estudyante ay nasa loob na ng mga silid kaya ang tanging maririnig mo lang ay ang mga yapak namin, nakakabingi ang ganitong klaseng katahimikan.

"Ah." Napangiti ako ng lihim ng nagkasabay kami sa pagsalita. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakangiti rin siya ng malapad.

"This is kinda awkward." Sabi ko sa mahinang tinig pero narinig niya rin siguro kasi tumatango siya habang ngumingiti. Parang timang.

"Akala ko talaga hindi ka na magsasalita." Tiningnan ko siya at naalala ko na may utang pa akong sorry sa kanya.

Ngumiti muna ako bago magsalita.

"Uhm, about doon sa nangyari nang nakaraan sa Cafè, sorry pala." Sabi ko sabay yuko, hindi ko talaga alam kung bakit ako nahihiya sa unggoy na ito. I know I shouldn't be ashamed to him in the first place isa lang naman siyang unggoy na napadpad sa SC.

"At hindi ko rin inakala na magso sorry ka, mali ulit ako. Hahahaha." Kung kanina pangiti ngiti lang yung ginagawa niya, ngayon tumatawa na siya ang sarap pakinggan kasi sobrang totoo ang pagtawa niya walang halong kaplastikan. Did I said masarap pakinggan? Oh no! Scratch that iba ang ibig sabihin ko.

"Sorry again, for judging you immediately kasi naman." Gusto ko pa sanang dagdagan na kasi naman mas deserving si Camille sa posisyon na iyon pero I shut my filthy mouth bago may masabi na namang masama.

"Ano ka ba, wala iyon." Sabi niya at nagpakawala ulit ng ngiti, ganyan ba talaga siya ngumiti parati? Abot hanggang mata? Alam ko na kung bakit nanalo siya, nakuha sa ngiti ang mga mag aaral.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon