Kabanata 13

48 14 8
                                    

Pagkalabas na pagkalabas namin sa restaurant, hinigit ko paibaba ang braso ni Keith na nakaakbay sa balikat ko at kinagat.

"Aray! Aray! Aray!" Sigaw niya habang pinipilit ihiwalay ang mga ngipin ko sa braso niya. "Tangina Gab! May lahi kang bampira?!" Reklamo niya nang itigil ko ang paagkagat sa kanya.

"Well that's what you get." I winked at lumakad na palayo sa kanya.

"Hoy! Saan ka pupunta? Nandoon naka park ang kotse ko oh." Sinadya kong mag iba ng dadaanan duhh! Matapos niya akong nakawan ng halik tingin niya sasama pa ako sa kanya?! Ayoko nang ma rape!

"Mag co-commute ako." Sinenyasan ko siya na umalis na habang patuloy pa rin sa paglakad palayo sa kanya. Pero naririnig ko ang mga yabag niya kaya hindi lingid sa kaalaman ko na sinunundan niya ako.

"At saan ka sasakay? Sa sikad? Hindi ka ihahatid niyan sa bahay niyo. Walang sikad na maghahatid sa iyo mula Bacolod hanggang sa inyo. Wahahaha!" Tinutukso niya ako, alam ko. Pero kahit konti nalang mapipikon na ako sa kanya mas pinili ko nalang na isawalang bahala ang mga pinagsasabi niya wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko ang pang iinis niya. Ai! Meron pala, STRESS.

"Hoy! Ciudadano! Ibaba mo ako! Mahuhulog ako! Bwesit ka!" Sobrang bilis ng mga pangyayari, nagulat nalang ako na walang kahirap hirap niya akong nailagay sa balikat niya na parang nagbuhat lang ng bigas.

"Huwag kang malikot kung ayaw mong mahulog." Hinampas ko ng hinampas ang likod niya na parang tambol at ginalaw galaw ang mga paa ko na parang lumalangoy para masaktan siya.

"Ibaba mo ako! Rape! Rape! Tulong! Rape!" Sumigaw ako ng may makita akong taong dumadaan. Screaming and shouting will be your last resort if you're in the midst of life and death so I did.

"Girlfriend ko po ito La, hehe! Babe, huwag kang malikot." Ansarap niyang ihagis sa gitna ng daan at pasagasaan sa malaking truck! Huhuhu! Kung pinayagan lang sana ako dati nina Mama at Papa na magaral ng self defense edi sana wala nang buto ang unggoy na ito ngayon.

I asked my parents when I was a child to enroll me in a taekwondo class, but they disagree because they wanted me to grow as a fine lady. Nakakatomboy daw kasi ang mga ganyang sports, pero hindi kaya nakakadagdag pa nga ito sa kagandahan. Marielle is a great example of a pretty player of taekwondo.

"Hay! Kabataan ngayon, ang haharot!" Nakakasakit ng damdamin si lola, hindi niya na nga ako tinulungan nagbigay pa ng panget na komento. Malapit naman siyang mawala dito sa mundong ibabaw sana tinulungan niya nalang ako, makakadagdag pa yun sa collected good deeds niya kung sakali.

"Lola tulong rape!" I cried desperately kahit asa naman ako na babalikan niya pa ako.

"See? You still end up with me babe." Sabi niya sa matigas na ingles ng matagumpay niya akong naipasok sa upuan ng sasakyan niya.

Bago pa ako makatangkang tumakas, na ilock niya na ang pinto at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan niya.

Tama nga siya, nauwi rin ako sa kanya. Hindi na akong nagtangkang lumabas sa sasakyan niya, hindi naman siguro ako papatayin nito, masasayang lang ang lakas ko kung gagawa pa ako ng kung ano ano.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon