Kabanata 19

31 9 4
                                    

Matapos akong kausapin nina Mama at Papa, dumiretso na ako sa kwarto. Nagtaka sila kung bakit ang aga ko daw eh hanggang alas diyes ang paalam ko, sinagot ko nalang na maaga pa ang pasok bukas.

Yes I lied, and I know it's bad but sometimes situations force us to do so.

I took a bath to freshen up after that I let my hair dry and lied down on my bed. But minutes after, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha mula doon ang red box na may lamang silver bracelet. Kinuha ko ito mula sa box at ikinabit ko sa kamay ko. Sobrang ganda niya and it fits in my hand.

But why would he give me this kind of expensive gift? I would surely understand if we're best of friends but we are not.

Dapat ko bang ibalik ito sa kanya? Yun naman ang palagi kong ginagawa kapag may nagbibigay sa akin ng regalo mula sa hindi ko kaibigan but I don't know why I'm hesitating this time.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasayangan, palagi ko namang ginagawa ang pagbalik at pagtanggi ng mga regalo and surely kahit mahal ito I know I can afford this, my parents could afford to buy me this.

I opened my phone and clicked the Facebook app. Maraming bumati sa akin, I read all the messages and clicked the heart reaction after.

Nang matapos ko na ang pagbabasa, pumunta ako sa notifications at literal na nanlaki ang mga mata ko ng makitang birthday din pala ni Keith.

Like seriously?! Kasabay ko siya sa kaarawan ko? NO!

I was supposed to close the app when I noticed something in my hand. It was his bracelet. It was his gift. Binigyan niya ako ng regalo kahit kaarawan din niya. I remembered what happened earlier, I turned my back unto him without saying thank you on his gift.

I opened my messenger account and searched his name and I found myself typing.

You
Birthday mo rin pala? Hindi ko alam, sorry hindi ako nakabati kanina tsaka salamat sa regalo.

Nagpasalamat ako, so does it mean tintanggap ko na ang regalong binigay niya?

Keith Michael
Bakit ka humihingi ng tawad? Hindi mo obligasyong alamin kung kailan ang kaarawan ko pero salamat sa pagbati. Nagustuhan mo ba ang binigay ko? Ate ko ang pumili niyan.

Hala! Ate pa niya ang pumili, mas lalo tuloy akong nahiya.

You
Maganda siya kaso mukhang mamahalin, nahihiya akong tanggapin sa totoo lang.

I honestly replied.

Keith Michael
Peace offering din yan sa lahat ng mga pinagagawa ko sa iyo kaya tanggapin mo na.

I smiled, hindi naman kasi ako materialistic na tao. Hindi mo kailangan regaluhan ako ng mamahaling bagay para lang mapatawad ka.

You
A sincere sorry will do.

Keith Michael
Pero gusto kong bigyan ka nang ganyan.

I bit my lips and shook my head to stop my smile.

You
Mukhang wala na akong magagawa. Salamat ulit.

And that was the cue na tintanggap ko na talaga ang regalong binigay niya. Tinatanggap ko ang regalo mula sa unggoy na si Ciudadano.

Keith Michael
You're always welcome.

You
Nakauwi ka na?

I asked. I don't usually open topic for conversations but I guess I need to do it this time, nakita kong uminom siya at naamoy ko ang alak noong naglapit ang mukha naming daldawa so I guess, it won't hurt if I'll ask him if he's already home after driving a car under the influence of alcohol.

Keith Michael
Oo, nakahiga na nga ako.

Well sabagay, hindi naman siguro siya makikipag chat sa akin kung nadisgrasiya siya diba?

You
Owww. Good to hear that. Nakita kong uminom ka and you drove too fast, nag overtake ka pa sa sasakyan namin kanina.

Keith Michael
Concerned? Hahaha. Opo, nakauwi ako ng maayos at hindi ako umiinom ng marami, isang bote lang ang ininom ko.

May nakaattached na picture sa message niya. Nakasuot siya ng sando na kulay puti tapos niyayakap ang puting unan habang nakahiga sa kulay itim na kama.

You
Panget mo. Hahaha

Kahit ako lang mag isa dito sa kwarto ngayon, pinipigilan ko pa ring matawa sa litratong pinasa niya. Natatawa ako hindi dahil sa panget siya, basta natatawa lang talaga ako.

Keith Michael
Talaga?😟

May nakaattached muli na litrato, ganoon pa din ang set up nakayakap siya sa unan habang nakahiga but this time naka pout na siya. Halatang pilit kaya it doesn't look cute. Pero napangiti pa rin ako.

You
Don't send pictures. Baka magkaroon ng virus ang phone ko.

Keith Michael
Sabihin mo munang gwapo ako.

Heto na naman po siya. Gwapo siya oo, at alam kong alam niya iyon. Why can't he just keep it to himself and let people say that freely? Mas maganda kayang pakinggan na pinupuri ka ng ibang tao nang hindi mo pinipilit.

You
Lying is a sin dear.

I won't give him the satisfaction by saying he's handsome, manigas siya! Hahahaha

Keith Michael
Hindi ka naman magsisinungaling.

Napailing na talaga ako, para siyang bata na nagmamakaawa.

You
Really? Saying you're handsome is some kind of lie.

Keith Michael
Totoo kaya yun.

You
Hindi ka pa ba inaantok?

Iniba ko nalang ang usapan wala kasi talaga kong balak sabihin na gwapo siya lalo na ngayong pinipilit niya ako.

Keith Michael
Bakit inaantok ka na ba? Nakaantok ba akong kausap?

I can hear him saying those words using his low voice. Ganoon kasi siya kaya hindi ko talaga mapigilang ngumiti. Para na akong baliw dito sa hindi matanggal na mga ngiti sa labi ko.

You
Medyo. Hindi ka nakaaantok kausap, nakakainis ka. Tinuturuan mo kasi akong magsinungaling.

Keith Michael
Sige na nga hindi na kita pipilitin kung ayaw mo. Matulog ka na. Good night, sweet dreams.☺

It's so weird! Habang binabasa ko ang mensahe niya naririnig ko ang boses niyang nagsasalita.

You
Pasalamat ka birthday mo, oo na. Gwapo ka. Pero bukas hindi na, ngayon lang yan kasi birthday mo.

Keith Michael
Best birthday gift ever! Happy birthday sa ating dalawa. Tulog ka na. Good night ulit.☺☺😘

Umiling nalang ako habang sinarado ang app na ginagamit ko.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon