Kabanata 20

22 9 3
                                    

"Ma, ano iyan?" Nakita ko si Mama sa sala na may binibigay na papel kay Ate Grace.

"May mga kulang na ingredients kasi para sa mga lulutuin ko mamaya kaso may tinatapos pa akong design kaya si Grace nalang ang inutusan kong bumili." I'm planning to give Keith a gift kahit simple lang, nahihiya pa rin kasi ako dahil tinanggap ko ang binigay niyang regalo.

"Sama ako Ate, Ma, pwede? May bibilhin lang sana ako."

"Konti lang ang bibilhin ng Ate Grace mo, baka matagalan ka."

"Hindi po, madali lang din ako." Inakbayan ko si mama at ngumiti ng napakatamis para makumbinsi siya.

"O siya sige." Hinalikan ko siya sa pisngi at kinalabit ang kapatid kong nakahilata sa sofa habang nanonood sa Cartoon Network.

"Matt, samahan mo ako. Mall tayo." Tiningnan niya lang ako at binalik muli ang mga mata sa pinapanood na cartoon.

"Dali na! Libre kita ng kinder joy." Alam kong hindi niya ako tatanggihan kung yun ang iaalok ko, ewan ko nga kung bakit sobrang adik niya sa kinder joy basta pasalamat nalang ako kung ano man ang rason niya dahil maisasama ko siya ngayon sa pagbili ng regalo para kay Keith.

"For whom?" Nakakunot ang noo ng kapatid ko habang pinapapili ko siya sa dalawang relong hindi ko mapagdesisyunan kung alin ang bibilhin ko.

"Dali an mo na, baka hinihintay na naman tayo nina Ate Grace at Kuya Steve."

"Para kanino nga?" Kilala ko ang kapatid ko at kapag nag umpisa na siyang managalog alam kong naiirita na ito.

"Aish! Sa kaibigan. Saan na?" Nasa harap pa rin niya ang pinapipilian kong relo.

"Is he really just a friend?" Bakit ba ako binigyan ng kapatid na mahilig magtanong? Why can't he just say, "Ate, I prefer this one." Para tapos na.

"Oo nga."

"Who would give a 14000 worth of watch just for a friend?" Napasapo ako sa noo ko, I know he already concluded something on his mind at alam kong mahirap na itong baliin. Ganyan kasi talaga siya, matigas ang ulo. Papanindigan kung ano ang pinaninindigan niya.

"Ako. Tsk. Dinala kita dito kasi akala ko matutulungan mo ako dito."

Hinarap ko ang saleslady, di bale nang hindi lalake ang pipili basta opinyon ng ibang tao nagmula okay na iyon.

"Miss, para sa iyo anong mas maganda?" Pinakita ko sa kanya ang relong pinagpipilian ko.

"Para po ba sa boyfriend niyo?" I wanna roll my eyes pero pinigilan ko kasi baka kung ano ang isipin niya.

"Sa kaibigan lang po."

"Ilang taon na ba ang kaibigan mo?" She emphasized the word kaibigan sobrang imposible bang magbigay ng regalo para sa lalaking kaibigan lang?

I wonder if Keith also got this approach when he bought the bracelet.

"Kasing edad ko lang po, 17."

"Eto po, kasi mas pamporma ito kesa dito." Tinuro nya yung pinili niya. Of course yung mas mahal ng dalawang daan yung pinili niya. Bahala na nga.

"Oh, okay salamat po ha. Sige kunin ko po iyan."

Binalot niya ito matapos kong bayaran tapos kinaladkad ko na ang kapatid ko paalis doon

"Ate, I promise I won't tell Mama and Papa if you already have a boyfriend just tell me the truth."

"Matt wala nga akong boyfriend." Alam kong mula sa ekspresyon ng mukha niya hindi pa rin siya naniniwala. "Nakita mo to?" Tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap siya tsaka ipinakita ang bracelet sa kamay ko.

"Yes, it looks expensive."

"Birthday gift ito ng pagbibigyan ko ng relo so I wanted to give him a gift because it was also his birthday last Thursday and I didn't know that." Diyos ko naman, sana maniwala na siya.

"So you too aren't in a relationship, so what's the real score between you and him since you're exchanging gifts?" My goodness! Walong taong gulang lang ba talaga itong kapatid ko?! Ang lawak lawak mag isip!

"Friends lang nga." Sobrang frustrated kong sagot.

"Okay. Just tell me if you're already in a relationship, I won't tell our parents. Trust me." I heaved a sigh. Ang hirap niya talagang paintindihin. "But I wanted to know him sooner." Ngumiti siya na para bang may binabalak na masama.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon