Kabanata 8

56 14 7
                                    

Pagdating ko sa kwarto namin, nakita kong nakasampa sa higaan na nakangiting nakakaloko ang bwesit na unggoy. Inikutan ko siya ng mata.

Kumuha ako ng mga gamit para maligo sobrang lagkit ko kasi at puno ako ng pawis dahil sa paglalakad.

May mga kasama siyang iba sa labas kaya kampante naman ako na hindi niya ako papasukin dito sa loob ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo nagulat ako kasi marami na silang naroon at medyo lumiit ang espasyo para sa aming lahat na nandito.

"So saan matutulog ang dalawang sobra?" Narinig ko ang mga kasama ko na pinag uusapan pa rin ang problema.

"Uuwi nalang siguro ako, sobrang pagod ko na rin kasi." Napagdesisyunan ko nalang na umuwi, okay lang naman sa akin nakasakay na ako sa Zipline at Kabayo at nagpapasalamat na buhay pa ako. Nalibot ko na ang buong resort kaninang hapon so feeling ko satisfied na ako.

"Wala kang masasakyan ate." Yun nga lang mag co commute ako, papagalitan kasi ako for sure kung tatawag ako sa bahay para magpasundo.

Marunong naman akong magcommute, kahit lagi akong hatid sundo ni Manong Steve o ni Papa nakakasakay naman ako sa mga pampublikong sasakyan.

"May dala akong kotse, uuwi rin naman ako kaya sasabay nalang sa akin si Miss Pres." Siguro, katulad ko ay naisipan ni Ciudadano na magparaya rin.

Dorm type kasi ang kwarto, tatlong double-deck bed ang nandito at hindi ito ganoon kalaki, pinasadya talaga siya para sa isang tao lamang.

Kahit naiinis ako sa kanya tinanggap ko nalang ang alok niya na libreng sakay, ayoko rin naman sana kaso tama ang mga kasama ko delikado nang mag commute dahil gabi na at babae ako.

Inayos ko ang mga dala ko at sumabay na nga kay Ciudadano sa pag uwi.

Nasa biyahe na kami nang tumunog ang phone niya, pangatlong beses na itong tumunog kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi niya sinasagot.

Tiningnan ko ang screen at nakita ko ang pangalan ng isang lalaki, Marc.

"Bakit hindi mo sinasagot?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtanong.

"Pipilitin lang naman ako niyan na mag attend sa kasal." Sagot niya habang nasa daan pa rin ang focus, ni hindi niya man lang ako binalingan.

"Kasal ng kaibigan? Bakit hindi ka pumunta?" Karagdagang tanong ko, madaldal na kung madaldal eh sa gusto kong malaman, malay naman natin sumagot siya diba? At least may topic kami habang nasa biyahe, nakakabingi kaya ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto ang hinintay ko bago siya nagsalita, akala ko nga di na niya ako sasagutin.

"Ex ko yung kapatid niyang ikakasal." Ngumiti siya ng mapakla. Hindi ko alam kung bakit pati ako biglang nakaramdam ng kalungkutan, bakas na bakas kasi sa kanya ang sobrang lungkot, mula sa mata niya hanggang sa mga labi niyang palaging nakangiti.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon