Special Chapter

24 0 0
                                        

I am now eight months pregnant, babae ang magiging anak ko at sa susunod na buwan magkikita na kaming dalawa. Sa walong buwan, naranasan ko ang mga hindi ko inaasahan lalo na sa unang tatlong buwan ang rami kong gustong kainin pero hindi ko makain kasi nahihiya akong magpabili kina mama lalo na sa disoras ng gabi kaya pinipilit ko nalang ang anak ko na gustuhin ang mga bagay na binibigay lang nina Mama at Papa.

Buwan buwan ramdam kong bumibigat siya at nagiging sobrang taba ko na, mahirap dahil hindi mo na magagawa ang mga dati mong ginagawa pero sa tuwing sumisipa siya pakiramdam ko lahat ng mga paghihirap na nararanasan ko nawawala at napapalitan nang sabik na makita na siya.

Dito na kami nakatira sa Capiz, hindi nagustuhan ng Lola ang maagang pagbubuntis ko kaya napilitan si Papa na bumili ng bagong bahay dito. My parents sacrificed so much kaya kung napapagod na ako, iniisip ko nalang ang mga naging sakripisyon ng mga magulang ko.

Minsan nang dumayo dito sa amin ang mga kaibigan ko, excited na rin nga sila sa paglabas ni Allison, oo yun ang napili kong pangalan para sa anak ko. Yung ama nito? Ewan wala na akong naging balita, hindi ko alam kung alam niya na buntis ako, siguro hindi dahil hindi niya ako hinanap o pwede rin namang oo kaya lang masiyado sigurong naaliw sa buhay niya sa Amerika kaya di na kami naisip ng anak niya.

I was holding a white envelope pinadala daw ni Kendrick kanina lang, hindi ko alam kung para saan, hindi ko rin alam kung anong dahilan kung bakit ako pinadalhan ng kapatid niya ng sulat.

To: Jean Gabrielle Sinsoro
Roxas City, Capiz

From: Kendrick Uriel Ciudadano
Silay City, Negros Occidental

February 16, 2017
Michigan, USA

Hello Gabbie! Gusto mong nakakatanggap ng mga liham diba? Sana magustuhan mo ang isang ito, ito na kasi ang huling maibibigay ko sa iyo. Alam kong lahat ng sulat ko tinatago mo kahit ang panget ng sulat kamay ko pero di bale bawi naman sa itsura diba? Kamusta ang araw mo? Dati lagi mong sinasabi na sinisira ko araw mo, ngayong hindi mo na ako nakikita sana naging maganda na ang paggising at pagtulog mo dahil wala nang nangungulit sa iyo at nambubwesit.

Hindi ko alam kung naalala mo pa pero grade eight tayo nang una kitang nakita bagong lipat ka noon sa St. Joseph, pero hindi ka namamansin kahit sa mga kaklase mong lalake na pilit nakikipagkaibigan kaya sinubukan kitang kausapin. Ilang buwan na ang nakalipas noon pero nakikita pa rin kitang nag-iisa, sabi ko baka napapangetan ka sa mga kaklase mo kaya ayaw mo sa kanila kaya ayun nilapitan kita sa cafeteria, inalok kita ng iniinom kong Chuckie pero tiningnan mo lang ako ng puno nang pandidiri at tinalikuran. Ikaw ang unang beses na gumawa sa akin ng ganoon, ilang tao ang tinanong ko noon kung pumanget ba ako bigla at ganoon ang naging trato mo pero habang tumatagal napagtanto ko na hindi ako panget kaya di mo ako kinausap narealized mo lang na sobrang gwapo ko at intimidated ka lang sa kagwapuhan ko. Hahahaha!  Malaki talaga ang pasalamat ko na sinulat ko ito kasi siguro kung magkatabi tayo ngayon ilang batok na ang natanggap ko mula sa iyo. Minsan talaga naawa na ako sa sarili ko sa kadidikit sa iyo puno na nang pasa ang katawan ko grabe ka talaga pasalamat ka mahal kita kaya, kaya kong tiisin lahat makasama ka lang. Alam ko iniisip mo, korny iyong sinabi ko pero totoo iyon, pangako.

You look too fragile, too weak and vulnerable pero iba ang pinapakita ng ugali mo, ikaw ang tipo ng tao na sobrang bait pero hindi pwedeng apihin maybe because of the authority you gained as the president of the council. Ikaw ang nag-iisang babaeng hinangaan ko sa St. Joseph kaso lang noong sa wakas nakilala at nakausap na kita, bigla kong pinagsisihan ang paghanga sa iyo. Inis na inis ako sa iyo, sa mga maling pamimintang mo, sa pagiging bossy mo, sa pag-aantay ng maling gagawin ko at sa lahat ng pangengealam mo sa buhay ko. I hated your guts that's why I wanted to piss you all the time at mukhang naayon sa akin ang tadhana dahil ang bilis mo palang mapikon. My plan was just to annoy you, to piss you but I never planned to make you fall and make myself fall harder more than I know.

Sayang nga hindi naging tayo, wala din naman kasing magbabago masasayang lang ang iyong unang "oo". Mahal kita sobra, at ramdam ko minsan na nagtataka ka na kasi hindi pa kita inaalok maging girlfriend ko, pero nililinaw ko walang ibang babae, hindi totoong hindi pa ako handa. Naghihintay lang talaga ako ng tamang tiyempo at pagkakataon kung kailan pwede na tayo. At sana kung dumating man ang pagkakataong iyon kahit malabo, andiyan ka pa rin hinihintay ako at ako pa rin ang tinitibok ng iyong puso.

Ang patuloy kong pagpayat, ang mga nakikita mong pasa sa katawan ko, hindi iyon dahil sa practice, hindi iyon dahil sa mga batok at hampas mo, may sakit talaga ako; cirrhosis. Few weeks after November nalaman ko na may cirrhosis ako, I'm undergoing treatment pero mabilis ang paghina ng atay ko.

Transplant, iyon nalang ang tanging paraan para mabuhay ako pero matapos isagawa ang maraming test sabi ng doktor kahit magpatransplant ako mukhang di na nito magdudugtungan ang buhay ko dahil nalaglag na ang cirrhosis ko sa cancer at mabilis na kumakalat ang cancer cells sa buong katawan ko.

Kahit iyon ang sabi ng doktor ko nilipad pa rin ako ng pamilya ko dito sa Amerika, hindi ko nga alam kung para saan pa, wala na nga kasi sabi ng doktor diba?

Mahaba ang pila sa liver transplant pero dahil malala na ang kaso ko, inuna ako. Bukas na ang operasyon ko, kahit maliit lang ang tyansiya na maging successful ito pumayag na rin ako kasi gusto pa kitang makasama, bubuo pa tayo ng pamilya diba? Magtatayo ng malaking bahay at manganganak ng anim o higit pa. Gab, I wanted to thank you for everything, for making me feel what true love means, for being my motivation to undergo in this transplant operation. 

I told Kendrick to bring this home with him if the operation won't be successful kaya kung nababasa mo ito ngayon then I surely am in a better place right now, better lang kasi iyong best na lugar sa tabi mo. I know someday you'll meet a person better than I iyong malusog, iyong walang sakit at higit sa lahat iyong hindi ka iiwan.

Gab, please do remember that I love you and always will. Mahal kita, sobra....but this is my fate...ang mamatay ng maaga. Ang panget mo kapag umiiyak ka at ang ingay mo pa kaya binabalaan kita huwag mo akong iyakan masiyado.

There's no such thing as good byes. Lahat ng paalam masakit at kahit masakit man sa akin na iwan ka nang ganito ka aga, wala akong magagawa ito ang itinadhana. Paalam Gabrielle, hanggang sa muli nating pagkikita. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita!

Love,
Keith

Seconds.... Minutes....and hours had passed hindi na ako nakagalaw sa inuupuan ko. Hindi ko maramdaman ang puso ko, I can't even breathe. I don't know how to respond, my brain isn't also working mga mata ko lang ang patuloy na nagpapakawala ng maiinit na likido. The paper I was holding was nearly tearing because of my tears.

"Gab! You're bleeding! Ang bata!" My mother screamed in a horrible sound and when I looked down, all I saw was red liquid scattered on the floor.

How Great Is Our LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon