Kabanata 23

44 6 2
                                    

Pasado alas diyes na nang umaga nang lumabas ako sa banyo. Nagluto pa kasi ako ng brazo de mercedes na ibibigay kay tita kaninang umaga.

Agad akong pumili ng damit. I wanted to wear shorts and just a piece of t shirt pero baka marami silang bisita kaya I end up choosing a plain cream colored decent dress.

Pinatuyo ko ang buhok ko at nagpulbo tapos naglagay ng lip gloss para kahit papano magkaroon ng buhay ang mukhang patay kong mga labi. Tinernuhan ko ang dress ko ng isang skin tone pumps at nagbitbit ng maliit na shoulder bag.

Bumababa na ako at hinanap sina Mama at Papa and they are on their usual spot, sa garden habang sumisimsim ng kape. Hindi kasi mainit dito dahil may bubong panangga sa araw.

Bitbit ang braso de mercedes na ibibigay ko, nagpaalam ako sa kanila.

"Umuwi ng maaga Gab ha." Pahabol na bilin ni Papa nang papasok na ako sa kotse.

"Opo." Sagot ko bago tuluyang pumasok. Pinahatid lang nila ako kay Manong Steve kasi hindi niya ako maihahatid dahil quality time nila ni Mama ngayon. Ang tatanda na pero ang corny pa rin!

"Saan ka ba pupunta at bakit sa plaza ka lang magpapahatid? Alam ko naman ang mga bahay ng mga kaibigan mo." Katulad ni Papa akala ni Manong Steve ang mga kaibigang tinutukoy ko ay sina Marielle, Irah, Chelsea, Marj at Mimi.

Hindi ko rin naman sila masisi, wala kasi akong ipinakikilala na mga kaibigan maliban sa kanilang apat.

"May hihintayin pa po kasi ako Manong Steve." Sinabi ko sa pinakakaswal na tono.

"Ang sabihin mo may date ka ayaw pang umamin." Kumunot ang noo ko.

"Birthday po talaga ang pupuntahan ko."

"Sige maniniwala nalang ako." Sabi ni manong tsaka tumawa.

"Dapat po talaga maniwala kayo kasi yun ang totoo." Sinabayan ko si Manong sa pagtawa.

My phone beeped. Mensahe galing na naman kay Keith. Kanina pa siya text ng text kung nasaan na daw ako kasi kanina pa siya naghihintay.

Kasalanan niya iyan dahil sabi ko maliligo pa lang ako hihintayin niya na daw ako sa plaza. Siya yung may gusto niyan kaya hayaan natin siyang magdusa. Hahahhaha.

To: KM Ciudadano
Malapit na.

From: KM Ciudadano
Mag iisang oras na akong naghihintay dito.

Hindi na ako nagreply kasi lumiko na ang sasakyan namin sa plaza. Nang natanaw ko mula sa malayo ang sasakyan ni Keith bumaba na ako para hindi makita ni Manong Steve na lalaki ang hinhintay ko. Di bale nang maglakad basta't huwag lang makarating sa mga magulang ko.

Kinatok ko ang bintana ng kotse niya at nang makita ang mukha ko binuksan niya na ang pinto.

"Magiis..." Hindi ko na siya hinayaan pang sumbatan ako kaya bago pa man maipagpatuloy ang sinasabi niya pinutol ko na.

"Alas onse ang usapan natin." I casually said while closing the door of his car.

"Pero sabi mo maliligo ka na." I turned my gaze to him while frowning.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon