Kabanata 26

20 3 1
                                    

"Ate, are you now okay?" Si Mama ang una kong nakita nang imulat ko ang aking mga mata. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nag uusap si Papa at ang pamilyar na doktor ng pamilya, nasa tabi rin ni Mama ang kapatid kong umuupo habang naka headphones at nakatingin ng walang emosyon sa akin.

"Ma, sinong naghatid sa akin dito?" Si Keith ang huling taong kasama ko bago ako nawalan ng malay pero hindi ko siya nakikita dito sa loob ng kwarto ko ngayon.

"Si Manong Steve, mabuti at may mabuting loob na nakakita sa iyo sa main building at hinatid ka kay Manong. Tanungin mo kung sino yun, magpasalamat ka ha." Tumatango lang ako habang inaayos ni Mama ang buhok ko.

Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sinong naghatid sa akin kay manong Steve dahil alam kong si Keith ang huling taong kasama ko bago ako nahimatay and of course I'll thank him for that kahit nakakatampo na wala siya dito pagkagising ko.

I mean....diba? Like in movies and books, when someone passed out the one who saved them will always be right beside them once they gained back their sanity.

I snickered in mind. Lol. Nakalimutan ko palang ganoon sila dahil mahalaga ang mga taong iyon sa kanila that's the main reason why they stay. I wanna mock myself. Like hey self, you aren't important to him. Ano ka ba niya? Lol.

"Maraming salamat Don." Narinig kong sabi ni papa kay Tito Don, ang doktor ng pamilya namin.

"Siyempre naman pare. Gab, pagaling ka ha." Ngumiti ako at tumango kay Tito. Nagpaalam rin si Tito kay Mama bago umalis.

"Inatake ka daw ng asthma." Tumango ako kay papa bilang pag sang ayon. Nahulaan ko na iyon kasi nahirapan talaga ako sa paghinga bago ako nawalan ng malay.

I was an asthmatic child way back. Sakitin. Kaya ganoon na lang ang pagprotekta ng mga magulang ko sa akin. But when I started growing, I became determined to fight that illness because I don't wanted to be forever weak.

I started to try everything that was said by Tito Don just to be freed from asthma. And fortunately, I overcame the battle over asthma. Nawala iyon, hindi na ako hinihika sa tuwing naglalaro ako o kahit gumagawa ng mga mabibigat na gawain.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang nangyari kanina, ganoon ako palagi kapag hinihika noong bata, palaging nawawalan ng malay dahil hindi na kayang huminga pa. Hindi ko akalaing babalik pa ang sakit na iyon akala ko kasi nawala na talaga.

"Babalik na naman po ba ako sa mga therapy na ginagawa ni Tito noong bata?" I had managed my asthma, I put it under my hand instead of giving it a chance to spoil my life. Ang hirap magsimula muli sa umpisa.

"Hindi naman daw kailangan. Maaring masiyadong nabigla ka lang daw kanina kaya ka nahimatay but you should always take your meds and inhaler with you." Tumango nalang ako bilang pagsangayon kay papa.

"Ano ba ang nangyari Ate at nahimatay ka?" Wala na sana akong balak sabihin sa kanila ang nangyari kasi baka hindi naman sila maniwala pero naisip ko na mas okay sabihin ang totoo.

I explained what happened but excluding Keith's presence hindi ko sinabing tinakot niya muna ako bago nakakita ng totoong multo hinayaan ko silang isipin na nadaanan lang talaga ako ni Keith doon pero hindi ko vocally sinabi because it would be a lie. Pero gaya nga nang inaasahan ko, hindi din naman sila naniwala so at the end nagsayang lang ako ng laway.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon