Kabanata 25

18 3 2
                                        

Nagkaroon na nang ilaw ang paligid, may natitira pa ring konting liwanag mula sa papalubog na araw pero nangingibabaw na ang kadiliman sa malawak naming soccer field.

Hindi ako nahirapan hanapin ang taong sadya ko kasi konti nalang ang mga tao dito, halos ang mga players at ang coach nalang nila ang narito kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap. Karaniwan kasi maraming tumatambay dito, lalo na ang mga kababaihan kasi hindi nama maipapagkaila na may mga itsura ang mga soccer players.

"May kailangan ka?" Tanong ni Keith matapos akong lapitan.

"May papipirmahan ako, para sa collection of funds." Pinakita ko sa kanya ang dala kong folder na ibinigay sa akin kanina ng secretary ng SC kasi kami nalang daw ni Keith ang hindi nakakapirma....as usual.

"Oh, akala ko namiss mo ako kaya ka pumunta dito." Natatawa niyang sabi habang pinupunasan ng puting tuwalya ang kanyang mga pawis sa mukha. Guys who are sweating are enticing, kung hindi ko lang kilala itong unggoy na nasa harap ko ngayon baka naakit din ako.

Good thing I knew him, alam kong maloko at kung gaano siya kaingay, kakulit and I don't like those kind of guys, I am more attracted to the serious ones.

Isinawalang bahala ko ang kapilyuhan niya, nasasanay na rin kasi ako sa kaniya habang tumatagal na nakikilala ko siya. I have no choice anyway. "Wala akong ballpen, meron ka ba?" Agad akong naghalungkat ng ballpen sa bag at binigay sa kanya kasama ang mga papel na dapat niyang pirmahan.

"Thank you. Sige mauna na ako." Sabi ko matapos binalik ang mga papel at ballpen sa akin.

"Uuwi ka na?" Ngumiti ako sa tanong niya at niligpit na ang mga gamit ko.

"Nope. Idadaan ko muna ito sa SC office, or better yet ipapaskil ko nalang ito sa bulletin board sa labas ng office ngayon."

"Sige, ingat ka." Tumalikod siya at nag half run pabalik sa field.

Kaya ako naman, dumiretso na sa main building kung nasaan ang SC office. May ilaw ang hallway pero nakakabingi ang katahimikan kasi gabi na at tapos na ang office hours. Rinig na rinig ko ang bawat yabag ng mga paa ko.

May mga kwentong may nagpapakita raw dito na babaeng nakaputi at nakakadena ang dalawang paa. Kung may makita ako ngayon, then I guess it's true.

Natatakot ako pero tinitibayan ko ang loob ko. Aish! Sana pala bukas ko nalang ito ginawa, pero nandito na ako e.

Tinahak ko ang daan papuntang office, ang lalaki ng mga yapak ko. Lol! Alam ko sa sarili ko na hindi ako matapang, nagtatapang tapangan lang.

Nakarating ako sa SC office ng walang nakikitang babae na sinasabi nilang gumagala dito. Pinaskil ko kaagad ang memo para sa kokolektahing organization fee ngayong taon, alam naman ng lahat ng estudyante na may binabayarang ganito taon taon ngunit kailangan pa rin ng ganito dahil minsan nagbabago ang amount na kinokolekta, depende kung tataas o bababa.

"Pssst." Namilog ang mga mata ko ng may marinig akong sumisitsit. Luminga linga ako para tingnan kung sino ang gumawa ng ingay na iyon pero wala akong nakita. Baka guni guni ko lang iyon, masiyado yata akong naparanoid sa kwento ng babaeng gumagala dito sa main building.

"Pssssssst." Yung una pwede ko pang sabihin na baka guni guni ko lang pero hindi sa ikalawang pagkakataon. Alam kong hindi na iyon ilusyon lang. Alam kong totoong may naninitsit sa akin.

Lord, please take away all the evil spirits scattered in this building.

"Gaaabie." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng binanggit niya ang pangalan ko! This evil creature, knows my name. God!

Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa, gusto kong sumigaw pero di ko rin kaya. Lintek na! Nakain na ako ng takot. Hey brain! Please spread the stimulus in their respective places in my whole body.

"Gaaaabie." Tinawag niya muli ang pangalan ko, this time louder.

"Loooord!" Umiyak ako at tumakbo pero hindi pa man ako nakakalayo may yumakap sa akin galing sa likuran. Hindi ako nakagalaw, at ilang segundo ko ring pinigilan ang paghinga ko.

Shieeet! Will she kill me now? Binababa ko ang mga tingin ko sa kamay niyang nakapalibot sa beywang ko para tingnan kung may hawak siyang patalim o di kaya'y may dumadaloy nang dugo mula sa katawan ko, so far wala pa naman.

My senses came back nang naamoy ng aking ilong ang isang pamilyar na amoy na katulad kay papa, it wasn't a feminine smell. Panlalaki ito. Binalik ko ang paningin ko sa kamay niyang nakayakap sa akin, pamilyar ang relo niya! Walang hiya!

Buong tapang kong hinarap ang taong yumakap sa akin at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Siya nga. Pulang pula ang buong mukha niya dahil sa pagpigil ng tawa.

"You jerk!" Sigaw ko sa mukha niya at hinampas ang dibdib niya. Hinayaan niya lang ako at tumawa na halos hindi na makahinga. Masakit ang mga hampas ko sa dibdib niya, pero pati ako nasasaktan rin, payat kasi siya wala siyang malaking katawan na masarap suntukin, buto kasi lahat.

"Wahahhahaha! Nakakatawa ang mukha kanina Gab, para kang natatae na hindi ko alam. Matatakutin ka rin pala? Bago yan ah." Tinigil ko ang paghahampas sa kanya pero hindi niya pa rin tinitigil ang pagtawa.

"I'm not scared...." Tinaasan niya ko ng kilay habang tumatawa pa rin. "Well, sabi kasi nila may nagpapakita daw ditong babae! So blame them!" Sigaw ko at narinig ko pa ang pagbalik ng tinig ko dulot ng echo. "And why are you here?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahm. To save you from the 'nagpapakitang babae'?" He made a double quote sign in the air, God! Sobrang bakla niya when he talks in conyo.

Pinabayaan ko siya at nauna nang maglakad.

"Oi, hintay naman." Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa paglakad.

Ngunit napatigil ako ng may marinig akong kadenang kumikiskis sa sahig.

Tumalikod ako para tingnan kung si Keith ang gumagawa ng ingay pero walang dugong mukha lang ang nakita ko pagkaharap ko sa kanya.

"Na...rinig mo din?" He said, stammering. Unti unti akong tumango at tumakbo pabalik sa kanya.

Kitang kita ko habang patungo kay Keith ang isang babaeng nakaitim na ngumingising parang demonyo habang nakatali sa kadena ang mga kamay at paa.

Tinago ko ang mga mukha ko sa dibdib ni Keith! They are real! Ito ang pinakaunang beses na nakakita ako ng espiritu at ganoon pa ang hitsura. Ibang iba ang takot na dala nila kung ikukumpara sa mga napapanood natin sa movies. Halos hindi na ako makahinga sa kaba.

"Calm down. Gab. Calm down." Paulit ulit sinasabi ni Keith habang hinahagod ang likod ko. Nahihirapan na talaga akong humagilap ng hangin. "Shit!" Isang malutong na mura ang narinig ko sa kanya bago ako nawalan ng malay.

How Great Is Our LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon