Kabanata 31

23 3 2
                                    

Maraming tao sa campus ngayon, maraming bagong mukha. Ngayon kasi ang championship sa soccer at dahil doon wala kaming pasok buong araw. Katulad ng mga nagdaang taon, kasali ang soccer team ng school namin sa championship so bale home court advantage.

Nasa bleachers ang mga kaibigan ko habang ako naman, nandito malapit sa mga officials. Nag aabang sa mga kailangan nila.

Ilang sandali nalang mag uumpisa na ang game, andito na ang kalaban ng soccer team ng school namin habang sila ay wala pa, nagdadasal pa marahil sa likod.

Ilang saglit pumasok na ang team ng school namin, dumaan sila sa gilid namin. Nakita ko si Keith, suot ang jersey number 14 at dilaw na shorts. May gloves din siya sa kamay, knee pad sa tuhod, shoulder pad, elbow pad at helmet na bitbit sa kanang kamay niya.

Nakita niya ako kaya ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa direksiyon ko, hindi pa naman kasi talaga mag uumpisa ang game.

Nang tumayo siya sa harap ko bigla akong nanliit sa sarili, ngayon ko lang naramdaman ang manliit sa sarili honestly. 5 feet lang ang height ko and I was just wearing a G.H Bass multi colored oxford flat shoes tapos siya sa tingin ko mga 5'10 o 5'11 ang height, lumaki pa ang katawan dahil sa mga suot na hindi ko halos maintindihan.

"Dinner tayo mamaya after ng game." His offer was tempting because I also want to, pero kasi kapag nagpaalam ako sa bahay siguradong hindi ako papayagan at baka mapagalitan pa nga.

"Alam mo namang hindi ako papayagan." I said in a low voice.

"Ihahatid nalang kita." I smiled bitterly. His offer was too simple pero hindi ko man lang mapaunlakan dahil sa may strikto akong mga magulang.

I never really questioned nor hated my parents for being so strict on me. Kahit sinasabi ng mga kaibigan ko na sobrang higpit ng mga magulang ko, okay lang kasi alam ko na iniisip lang naman nila kung ano ang makakabuti para sa akin. Because they're my parents, I should obey them because I owe them myself, I owe them my whole being. I would never be here, today, if not because of them.

I didn't ever complaint for the whole seventeen years of my existence pero ngayon ko lang naramdaman ang sinasabi nilang "Masasakal ka rin balang araw".

"Sige, I'll find ways." I decided. Sometimes it's okay to break rules right?

Tinawag na si Keith ng mga kasama niya, bumaling siya roon saglit tapos ibinalik ang tingin sa akin.

"Wish me luck please." He said, begging.

"Good luck." I said pero bago siya umalis sa harap ko, pinigilan ko ang braso niya at hinalikan siya sa pisngi niya.

I bit my lower lip and bow when I saw how his face turned red. The heck! Anong ginawa ko?!

"Alis ka na, mag uumpisa na ang game o." Turo ko sa field, tinatawag na kasi siya ng coach niya.

"Thank you!" He shouted before running to his teammates.

Humalukipkip lang ako sa gilid mula simula nang game hanggang sa oras na ito. Kinakabahan kasi ako para sa team namin sa tuwing sumisilip ako kaya napagdesisyunan kong umupo nalang sa monoblock at maghintay sa resulta kung panalo ba sila o talo.

I'm always present sa mga soccer games kasi maraming gwapo sa mga soccer players and my best friends are fond of worshipping handsome guys however I never really got fascinated with this game but now I feel so nervous every time I lay my eyes on the field.

Kung noon hindi ako nanonood dahil wala akong gana, ngayon hindi ako nanonood dahil kinakabahan ako.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag iisip kung ano ang gagawin kong alibi para hindi ako sunduin mamaya ni Manong Steve. My excuse should be flawless kung ayaw kong mahuli.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon