Kabanata 16

37 11 3
                                        

"First opponent ng school ang St. Vincent College, so since tayo ang host ng interschool sports competition andito sila mamaya!" Kanina pa hyper itong si Chelsea kasi nga dadating daw ang mga taga SVC, may crush kasi siya sa isang player ng soccer team nila.

"Dalawang taon mo nang pinapantasiyahan si Chad, hindi ka pa ba nagsasawa?" Pambabara ni Marielle sa kanya.

"Hindi kasawa sawa si Chad." Pagtatanggol naman ni Chelsea.

Napailing nalang ako habang natatawa dahil sa pakikinig sa mga kaibigan ko. Paano naman kasi tama ang sabi ni Marielle, dalawang taon nang pinapantasiyahan ni Chelsea si Chad.

Matapos naming bumili ng pagkain, pumunta kami kaagad sa bleachers kung saan makikita mula dito ang soccer field. Thirty minutes pa bago ang laro pero andito na kami kasi nga may kaibigan kaming hindi halatang excited makita ang crush niya.

Wala kaming pasok dahil wala ang instructor namin kaya makakapanood kami ng soccer game ngayon. Hindi ako mahilig sa soccer, ni hindi ko nga alam kung paano maglaro niyan kasi nga wala akong hilig sa sports.

Nag uumpisa nang mapuno ang bleachers namin dahil may mga dayo rin mula sa ibang school, most probably mga taga SVC.

"Woooh! Go Chad!" Sigaw ni Chelsea, nahihiya nga ako kasi dito kami umupo sa mga taga SVC naka uniporme pa naman kami. Nagmumukha kaming balimbing dahil sa kaibigan naming ultimate fangirl ng player ng kabilang eskwelahan.

Nakita kong tumingin dito sa dako namin si Keith, nakuha siguro ni Chelsea ang atensiyon niya paano naman kasi kahit sobrang tahimik na sigaw pa rin siya ng sigaw.

Tinuloy niya talaga ang pangarap niya, sana naman kahit sumali na siya dito hindi niya mapapabayaan ang obligasiyon niya sa SC. I guess I have left with no choice but to trust him in his decision.

Kain lang ako ng kain hanggang sa natapos ang laro, nanalo ang school namin kaya parang namatayan ang hitsura ni Chelsea kasi natalo daw ang team ng crush niya. She should be rejoicing, nanalo kaya ang team ng school namin.

Pupuntahan niya daw si Chad, ikocomfort niya. Baliw talaga ang kaibigan kong ito, paano niya kaya gagawin iyon? Ni hindi nga siguro alam nung Chad na nag e-exist siya.

Pero pursigido yata siya ngayon, nagmadali kaming bumababa at pumunta sa field. Hinayaan ko silang pumunta sa kabilang team habang ako naman nagpaiwan ng makita ko si Keith.

"Congrats." Sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng siya ng pawis.

"Salamat." Kinuha niya ang duffle bag niya at isinabit sa balikat niya at naglagay ng distansiya sa aming dalawa, hindi na kasi siya lumapit pa sa akin.

"Bakit ka lumalayo?" Tanong ko, pero siguro nahihiya siya kasi puno siya ng pawis, ganyan din kasi ako kapag pawis na pawis tapos hindi pa nakakapag shower.

"Pawis na pawis ako oh. Teka, hindi ka galit?" Nakangiti niyang sabi, lumapit ako sa kanya hindi naman kasi siya mabaho kahit pawis na pawis na siya, amoy na amoy ko pa rin kasi ang Adidas na pabango niya.

"Wala naman akong magagawa diba? Pangarap mo iyan e. I just wish that you'll fulfill your duty in SC." Mabuti naman na hindi na siya umalis sa kinatatayuan niya kahit lumapit akong muli kasi magtataka talaga ako baka ako yung mabaho kaya siya lumalayo.

"Huwag kang mag alala, tatapusin ko lang ang interschool sports competition, aalis na ako sa grupo pagkatapos." Tumango ako. Isang buong buwan ang interschool sports competition pero hindi lang ang kompetisyong ito ang sinasalihan ng soccer team ng school namin. Ito lang ang nagsisilbig umpisa kasi pagkatapos ng interschool sports competition marami pa silang sinasalihan na iba.

How Great Is Our LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon