Kabanata 24

24 3 1
                                    

"Ate! Kadiri!" Kinuha niya ng marahas ang kamay ng tinawag niyang ate mula sa braso niya at pinahiran ang pisngi ng panyong pinahid sa kamay ko kanina. I was about to stop him ng magsalita ulit ang babaeng tinawag niyang Ate, kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

"Sus! May kasama ka lang ganyan ka na. Noong bata ka nga hindi ka nakakatulog kung hindi mo ako kayakap." Tiningnan ako ng babae habang nakangiti. I presume kapatid niya ito since tinawag niya itong Ate kanina.

"Ewan ko sa iyo. Tara na Gab." Hinigit niya ang kamay ko at iniwan ang Ate niya doon sa kinatatayuan niya habang ngumingisi, ngumiti nalang ako at nagpadala kay Keith. I wonder if that girl is crazy.

Kinuha namin ang braso de mercedes sa kotse niya at tuluyan nang pumasok sa bahay nila. Mali ako sa inisip kong maraming bisita ang Mama niya dahil kitang kita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang maluwag nilang sala. May prenteng nakaupo na lalake habang nanonood ng TV. Action pa nga yata ang tema kasi rinig na rinig ko ang nakakainis na sound effects.

"Si Mama?" Halos pasigaw na tanong ni Keith sa lalakeng nasa sala, goodness kaya pala palaging tumataas ang boses niya ganito pala dito sa kanila.

"Hindi mo ako ipapakilala?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti, he seems to be friendly naman but I know something's hidden with the way he grin. Creepy.

But as far as I remember tinatanong ni Keith kung nasaan ang Mama nila, so what kind of answer was that?

"Nasaan nga?" Pag uulit niya sa parehong intensidad ng boses.

"Kendrick, but just call me Ken." Kinindatan niya ako at binalik ang mga mata sa pinapanood niya! Aish! Ang bastos! Hindi man lang, sinagot si Keith? Kung hindi niya sana alam ang dali kayang sabihin na hindi niya alam.

Sino kaya ito sa buhay ni Keith? Imposibleng Tatay niya kasi medyo bata pa naman. A servant? Pero sabi niya wala silang katulong so hindi. An older brother maybe? Pero wala naman siyang ikinukwento na may kapatid siyang lalake.

Like hello Gab! Close kayo? Hindi naman diba? Aish!

Pumunta kami ni Keith sa kusina hawak hawak ang aking palupulsuhan, doon namin nakita si Tita na abala sa pagluluto. Nilagay ko lang sa kitchen counter ang niluto kong braso de mercedes dahil yun ang sabi ni Tita.

"What do you want?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya hindi ko kasi naintindihan. Its was an implicit question.

"Anong what do you want?"

"Anong gusto mo? Juice? Tubig? Pagkain?" I smiled furtively.

"Wala. Okay lang ako. Kuya mo ang nasa sala?" Tanong ko habang papalabas kami sa kusina gusto ko nga sanang tulungan si Tita sa paglulto kaso inayawan niya ako, bisita raw kasi ako.

Katulad ng unang kita ko sa kanya kanina, tutok na tutok pa rin siya sa pinapanood niya.

"Bakit type mo?" Sumimangot ako, nagtatanong lang e.

"NO. Nagtatanong lang, wala ka kasing naikukwento na may Kuya ka." God! Gusto kong bawiin ang sinabi ko, medyo nag assume kasi ako doon. Hindi kami ganoon ka close para sabihin sa akin ang talambuhay niya. Aish!

"Oh? Palikero yan." Tiningnan ko siya ng masama, hindi ko alam kung sinisiraan niya lang ang kapatid niya kasi halata namang may galit sila sa isa't isa o ganoon talaga, well either way I don't care.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon