Kabanata 12

44 14 12
                                    

"Ate Gab, ito na ang Financial Statements, paki recheck nalang ulit pero na double check ko na naman iyan bago ko na print out." Tinanggap ko ang folder mula sa Treasurer namin. I scanned it at nakita kong may pirma na ito ng Auditor ng SC.

"Sige, I'll check it again. Thank you ha." Binuksan ko ito at inumpisahan na sa pag titingin ng bawat detalye ng cash flows ng fund sa nakaraang foundation week.

"Sure Ate. Wala ka na bang kailangan? Magpapaalam na sana kami." Today's Saturday, pinapunta ko lang dito sa office ang Treasurer, Auditor at VP ng SC pero nandito rin ang Secretary dahil ipapasa ko na sa Lunes ang financial statements sa SC Adviser namin so kailangan ko ang mga records.

"Gagala?" Hula ko kasi lahat sila nakaporma at nakasukbit na sa kani kanilang balikat ang backpack nila. Tumango sila.

"Sige, I'll just call you guys if may problema. Ingat kayo ha." Hindi ako nahihirapan sa mga officers ko kasi they're doing their job well, noong hiningi ko ang financial statements, agad agad naipresenta naman nila. Pati yung VP namin okay na rin, tingnan niyo andito rin siya ngayon.

"Thank you Ate." Niyakap ako ng Auditor namin, well close na kasi kami. "Mauna na po kami ha, sige Ate, Kuya, bye." Paalam nila at gumayak na.

"Ikaw? Wala kang gala?" Tanong ko sa katabi ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa FS na ipapasa ko sa Lunes.

"Wala akong girlfriend." Tiningnan ko siya at nakita kong wala siyang ginagawa kundi ang paglaruan ang ballpen na hawak niya.

"Pag gagala girlfriend agad? Wala kang mga kaibigan?" Hinati ko ang mga papel na nasa loob ng folder at kumuha ng spare calculator

"Meron pero may kanya kanyang date." Nakadekwatrong upo siya habang ginawang laruan ang swivel chair, parang batang pinaikot ikot ang sarili.

"Oh." Binigay ko sa kanya ang kalahati ng FS at ang calculator para may magawa naman siya. Nakakahiya kasi sa kanya, bored na yata siya kaya kung ano ano ang pinaglalaruan.

"Aanhin ito?" Tanong niya na puno ng pagtataka.

"Magdrawing ka o kaya magpainting gamit iyang calculator at mga papel, try mo." Pabalang kong sagot.

"Seryoso yung tanong ko, sasagutin ng pabalang." Kinuha niya ang mga papel at calculator tapos naupo ng maayos sa table niya.

"Tingnan mo kung tama ang pagkabilang." Hindi niya ako pinansin pa sa halip ay binigay ang buong pansin sa mga papel at calculator.

Grabe! Ang sarap kausap ng hangin.

"Oh tapos na." Tiningnan ko ang mga papel na inilapag niya sa table ko. Kanina pa ako tapos, siguro halos trenta minutos na akong nababagot sa kahihintay sa kanya bago matapos sa pagkwenta.

"Thanks." Inayos ko yung FS na isinayasat naming dalawa at inilagay sa folder kung saan nakalagay kanina.

"Lunch tayo?" Nagulat ako sa tanong niya, kani kani lang nag iinarte siya tapos ngayon naman mag-aaya kumain? May psychological disorder talaga siya.

"Libre mo?" Hinamon ko siya, malay natin kumagat edi libre na naman ang tanghalian ko.

"Sige ba." Ngumisi ako sa sagot niya. Libre na naman lunch ko ngayong araw. Less spending more savings. Hahahahaha.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon