"Nasaan na ba iyong boyfriend mo Gab? 15 minutes na lang mag uumpisa na ang movie o." Litanya ni Mimi. Akala mo naman sobrang tagal na naming naghintay, limang minuto pa lang naman kami dito.
"Mauna nalang kayo sa loob, ako nalang ang maghihintay sa kanya dito. And excuse me, hindi ko pa siya boyfriend no." Mimi just rolled her eyes at binuksan ang dalang sweet corn flavored pop corn.
"Edi sagutin mo na, kung makapag arte kayong dalawa sobra pa sa kasal na hindi pa naman pala kayo." Nahihiya akong yumuko, paano ko siya sasagutin e hindi nga nanliligaw.
Isang buwan mahigit na simula noong inamin ko sa sarili ko na mahal ko siya, ang bilis nga nang panahon siguro ganito talaga kapag masaya ka, gusto mong tumagal. People always wanted their happiness to last.
Para sa akin araw araw upgrading yung relationship status namin, ramdam ko na mahal niya ako kasi yun ang pinaparamdam at pinapakita niya but we never talked about the label of our 'relationship', we never talked about 'us'. Hindi ko alam kung kami na o nanliligaw siya. But I don't mind, as long as I feel that he loves me and I love him, I'm contented with that.
"Guys! Sorry late ako." Keith said as he came closer, snaked his arm in my waist and kissed my cheek.
"Keith ang mga babae, hindi pinapahintay...." Si Mimi ulit iyon pero hindi pa natatapos ang sasabihin binusalan na ni Irah ang bunganga niya gamit ang palad.
"Tara na." Marielle invited.
Kung aalis kami ni Keith palagi naming sinasama ang apat kong kaibigan para kung sakali man may makakita sa amin kung saan kami pumupunta may back up ako. I'm using them but they are fully aware of that, minsan nga sila pa ang nagpepresinta na gagala. Palagi kasing libre ni Keith, minsan nga nahihiya na ako kasi lima ba naman kaming pinapakain niya sa tuwing lumalabas kami pero ayaw niya namang magpahati sa mga babayaran kahit madalas ko siyang pinipilit. Edi siya na ang rich kid. Tsk. Tsk. Tsk. Guys and their pride.
"Christmas break na next week, tuloy kayo sa Capiz?" Inilagay ni Keith ang mga natitirang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko, nakikiliti tuloy ako sa buhok niya.
"Siguro, every Christmas break doon lang naman kami pumupunta. Kayo saan?" I put the weight of my head on his. He intertwined our hand at iyon ang pinaglaruan.
"Waaaah! Waaaaah! Waaaah!" Tili ng mga tao noong nagpakita ang multo sa palabas na pinapanood namin pero ang tinis ng tinig ni Mimi talaga yung nangingibabaw magkatabi kasi kami e.
"Wala, bahay lang kami." Umayos siya nang upo, his left hand reached my left shoulder and drew me closer. "Mamimiss kita." I blushed, I could feel it but thanks God because my reaction was covered by the dark.
"2 weeks lang naman yun." Sinubuan ko siya ng pop corn, nawala na yung concentration ko sa palabas na pinapanood namin, hindi na ako makasabay sa istorya.
"Kahit na." Yumuko siya at sumipsip sa smoothie na iniinuman ko, wala talaga siyang pakialam sa laway noh? Anyway why would he? We kissed how many times already.
"Baka pagbalik ko may iba ka na ha, hoy Ciudadano kung may balak kang palitan ako sabihin mo ha para maging aware naman ako." Nakikinig ba ito sa mga sinasabi ko? Yung mata niya kasi nasa malaking screen na nasa harap namin and he was busy brushing my shoulder using his hands.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
FanfictionLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...