"Happy Birthday Ate!" Kinusot ko ang mga mata ko at unti unting binuksan.
Nakita ko si Mama na may dalang cake, ang kapatid ko at si Papa na may suot na party hat.
"Thank you po." Umupo ako sa higaan at hinipan ang kandila ng cake.
"Dalaga na talaga si Ate." Tama nga siya dalaga na nga siguro akong maituturing. Seventeen na ako eh. Seventeen years na akong naninirahan dito sa mundo, thanks God.
"Huwag munang mag boyfriend ha." Paalala ni Papa.
"Wala naman pong nanliligaw kaya paano ako magkaka boyfriend pa?"
"Siguraduhin mo lang." Birthday na birthday ko pinapangaralan niya ako ng kung ano ano.
"Pa naman, huwag mong takutin si Ate baka suwayin ka niyan." Komento ni Mama.
"Subukan niya lang." Inabot ni Papa sa akin ang isang parihabang kahon.
Dahan dahan ko itong binuksan at tumambad sa harapan ko ang Harry Potter robe at wand.
Lumundag ako sa higaan ko at niyakap si Papa.
"Pa, thank you talaga." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Wala siyang sinabi, ginulo niya lang ang buhok ko.
Agad akong nagbihis at nagpapicture suot ang bigay nilang regalo. This isn't the most expensive gift I've ever had but this made me the happiest HP fan alive.
At dahil birthday ko, siyempre hindi ibig sabihin wala na akong pasok. Kaya nagmadali akong naligo, nagbihis at kumain kasi late na ako, masiyado kasi akong naaliw sa suot kong robe at bitbit na wand.
Pagdating ko sa eskwelahan, nakasara na ang pinto ng silid namin, ibig sabihin noon nag-uumpisa na ang klase kaya dinahan dahan ko lang ang pagbukas nito.
Pero sa halip na galit naming instructor ang sasalubong sa akin, balloons na kulay pink at blue ang bumalot sa loob ng kwarto namin. May nakasabit sa ceiling na mga hanging pictures ko at group pictures namin.
May balloons na 'Happy 17th Birthday Gab!' ang nakasabit sa dingding.
Kumanta sila ng Happy birthday nang tuluyan na akong nakapasok.
"Gabbie! Ang tanda mo na. Hahahaha." Niyakap ako ng mga kaibigan ko pagkatapos kantiyawan.
Kung makapagsalita sila akala mo ilang taon ang itinanda ko sa kanila. Diyos ko naman, buwan lang kaya.
"Guys! Thank you! Punta lang kayo sa cafeteria tapos kuha lang kayo ng kahit anong gusto niyo, tapos bayaran niyo after. Hahaha." Napuno ng tawanan ang buong kwarto namin.
May mga yumakap sa akin at bumati, may mga nagbigay ng regalo kahit hindi ko naman kaclose kaya nga nahihiya ako na hindi ko sila ilibre.
Marami akong natanggap na hard bound cover notebook, sobrang fascinated kasi ako dito. Ewan ko nga bakit gustong gusto ko ito, weird kasi dahil sa sobrang pagkagusto ko dito, hindi ko na sinusulatan tinitipon ko lang kasi nasasayangan akong magkamali tapos pupunitin lang.
Bumili ako ng 30 pieces burger at sodas sa canteen ng snack time, binigay ko sa mga kaklase ko. Kung may milyon lang talaga ako baka pinakain ko rin ang lahat ng estudyante dito sa paaralan kaso wala e.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
Fiksi PenggemarLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...