"Sinsoro!" Umalingawngaw sa buong silid ang boses ng aming instructor sa Math dahilan kung bakit ako nagising.
Tumuwid bigla ako ng upo at yumuko at kinapkap ang mata ko baka kasi may mutang nabuo bunga nang pagkatulog ko sa klase.
"Busy ba ang SC ngayon? Sa kabilang section kasi ang Vice President mo, tinulugan din ang klase ko." Napakagat labi ako, sinasabi na nga ba. Puyat din siya.
"Huy! Anyare sa iyo? Bakit ka puyat?" Irah demanded an answer.
"Halata ba talaga?" Tiningnan ko ang repleksiyon niya sa salamin na nasa harap namin, nandito kasi kami ngayon sa CR. Kakatapos lang ng last subject namin ngayong umaga.
"Ai hindi, hindi ka haggard bes." Singit ni Marielle. "Malayo pa naman ang exams a, don't tell me nag rereview ka na hanggang umaga, so much of preparation naman bes, baka maungusan mo si Denise niyan." Pagbibiro ni Marielle, si Denise kasi, yung 1st runner up sa Ms. Foundation 2017 ang nangunguna sa batch namin simula pa noong nasa grade 7 kami. Ganda nga niya, matalino pa.
"Gaga. Nanood lang ako ng movie." Nanahimik na sila mukhang naniwala naman sa rason ko.
"Wala pa rin si Sir de la Cruz, ano lunch out ulit?" Tanong ni Mimi.
"Sige, saan tayo?" Dagdag ni Irah.
"Guys, ano kasi...." Nalipat sa akin lahat ng atensiyon ng mga kaibigan ko. "Hindi ako pwede, may kakausapin kasi akong officer. Kayo nalang muna."
"Sigurado ka?" Awkward akong tumango.
Matapos umalis ang mga kaibigan ko, pumunta agad ako sa canteen upang bumili ng pagkain. Nag text ulit kanina si Keith na maghihintay siya sa rooftop, pumayag ako because I owe him a treat.
Bumili ako ng pork chop with rice para kay Keith at spaghetti with chicken ang akin, sodas tsaka dalawang sundaes.
Matapos kong makipagsiksikan sa canteen umakyat na ako sa rooftop ng seniors. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang baitang ng hagdan. Nakalock ang pintuan papasok sa rooftop kaya hindi siya siguro nakapasok, minsan naman bukas iyan.
Nakita kong may dalawang styrofoam sa tabi niya at sodas. Napatampal ako sa noo ko at natawa. Bakit kasi nakalimutan kong sabihan siya na libre ko ang tanghalian namin ngayon.
Umupo ako sa tabi niya at nasa gitna namin ang pagkain niya at nilagay ko rin doon ang dala ko.
"Nakalimutan kong sabihin sa iyo na, libre ko ang lunch natin ngayon." Natatawa kong sabi.
"Hayaan mo na, mauubos natin to." Kiniskis niya ang dalawang palad habang ngumingiti at binuksan ang plastik na dala ko.
"Anong laman nitong sa iyo?" Tanong ko habang binubuksan ang styrofoam na dala niya, hindi niya na ako sinagot dahil abala rin siya sa pagbubukas ng dala ko. Grilled chicken at java rice. Wow naman.
"Pwedeng ito lang akin?" Kinuha ko ang dala niya at kumuha ng kubyertos.
"Sige, basta lahat ng ito akin na, libre mo ako diba? Hahaha." Nilagay niya sa tabi niya ang plastik na dala ko. Bingay niya sa akin ang isang sundae at tinabi na ang lahat ng dala ko. Binigyan niya rin ako ng soda, yung galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
FanfictionLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...