Kabanata 3

107 17 17
                                    

Sabado ng umaga at nandito ako sa eskwela. If this is just a normal Saturday I'll surely be rolling in my bed. Pero may mga bagay na dapat isakripisyo dahil kailangan.

Alas nueve ang call time pero almost 9:30 na, hindi pa rin kami kumpleto ni hindi pa nga umaabot ng 3/4 ang bilang namin dito. Dapat kasi bago mag conduct ng meeting ay umabot kami sa 3/4, yun ang nakalagay sa by laws na ginawa ko na ipapa apruba sa mga kasama ko dito.

Kanina pa aligaga si Fatty sa pag titext ng mga kasama namin. I smiled at her, I used to be like that when I became the SC secretary noong grade 10 ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng opisina at napansin kong wala pa ang magaling naming VP. Napailing nalang ako, wala talaga akong makukuhang matino mula doon sa unggoy na iyon.

Saan na yung sabi niyang papatunayan niya ang sariling kakayahan? Eh sa nakikita ko parang kinukumpirma lang niya ang mga iniisip ko sa kanya. Una, kunsintidor siya sa mga kaibigan niya pangalawa, tamad siya, hindi niya kayang mag adjust para sa responsibilidad na tinahak niya at pangatlo wala talaga siyang sense of responsibility, tama talaga na pagpapagwapo lang at katarantaduhan ang alam gawin ng unggoy na iyon.

"Tristan, anong relihiyon ang nagsisimba tuwing umaga araw araw?" Tanong ko sa katabi kong treasurer ng SC, he's also a grade 11 student gaya ni Fatty.

"Nagsisimba talaga ate? As in pumupunta sa simbahan?" Pabalik  na tanong niya.

"Ewan basta sabi kasi ng kakilala ko may sinisimbahan siya tuwing umaga araw araw." Na curious lang ako ng very slight kung anong klaseng relihiyon iyon.

"Ang alam ko lang po ay yung Misa de Gallo ng Katoliko pero 9 days before​ Christmas lang po iyon." Tumango ako, kasi though we do not practice it, alam kong every December may ganoon ang mga Katoliko. "Ate, babae ba o lalaki ang kakilala mong nagsabi noon?"

"Lalaki." Diretso kung sagot. Ano kayang relihiyon ng unggoy na iyon? Teka bakit ba ako interesado? Bahala siya kung anong gusto niya kahit magsimba pa siya kung saang anito labas na ako doon.

"Ah, kaya pala. Iba ang sinisimbahan noon tuwing umaga ate. Hahahaha." Why do guys are so weird? Anong nakakatawa sa pagsisimba sa umaga?

"Ate Gab, more than 3/4 na po tayo." Masayang sabi ni Fatty. Haist. Salamat naman, tumungin ako sa wall clock. Tsk tsk tsk. 9:45 na.

"Ah sige, magsimula na tayo." Tumayo ako malapit sa whiteboard at nagsiupuan naman silang lahat sa long table.

We talked about the by laws and the funds that we must collect, the events that we'll handle and other things that concerns us.

Naging maganda naman ang resulta ng buong meeting, sobrang cooperative naman kasi ang officers ko kaya hindi ako nahirapan masiyado, nakuha namin ang mga agenda sa meeting, napag usapan ang dapat pag usapan so all in all the first meeting that I conducted was good.

Mag aalas dose na nang matapos ang meeting, sigurado akong gutom na kaming lahat kaya nauna na ang iba. Iilan nalang kami ang natira sa loob ng office.

"Fatty, please send me a copy of the attendance today and all the details that we had talked about, E-mail me those okay? Kasi mag rereport ako kay Ms. Bornasal about the meeting today." Malaki ang tiwala ko kay Fatty dahil nakikita ko naman na sobrang dedicated siya sa position niya buti pa siya. Yung naturingang Vice President kasi hindi talaga mahagilap, nag text daw siya kanina kay Fatty na "on the way" na daw siya pero heto wala akong nakitang pagmukha niyang ansarap ilublob sa kumukulong tubig. Tsss paasa talaga. Tinatawagan din siya pero hindi raw sumasagot. Ewan ko sa taong iyon, sakit sa ulo ang dala.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon