Kabanata 5

74 17 6
                                    

Linggo na ngayon at bukas na mag uumpisa ang week long celebration ng Foundation week kaya kahit linggo ay narito ako sa eskwelahan. Hindi na nga ako nakasimba kasi kailangan kong mai finalize ang mga detalye para sa event bukas.

Hindi ko inobliga ang mga kasama ko na pumunta ngayon kasi Linggo eh, this is supposed to be a worship day. Pinayagaan lang ako nina Mama at Papa na hindi magsimba kasi alam naman nila na kailangan ako ng tungkulin ko dito sa paaralan and my father doesn't want me to turn back from my obligations here in school, takot lang noon na mapahiya siya.

"Ate Gab, pwede lunch break muna? Almost 12 na rin kasi." Tiningnan ko ang orasan at tama nga ang 3rd year representative sa sinabi niya. Almost 12 na, masiyado yata akong na focus sa ginagawa ko kaya nakaligtaan ko na ang oras.

"Sige, kumain na muna kayo." Sagot ko tapos binalik muli ang pansin sa ginagawa ko.

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan hudyat na umalis na nga sila. Mamaya na lang siguro ako kakain, ayokong masira ang momentum ko sa ginagawa ko ngayon.

"Miss Pres. ikaw? Hindi ka maglulunch?" Tanong ng unggoy, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng office at ngayon ko lang napansin na dalawa na lang pala kami ang naiwan dito.

"Mamaya na." Sagot ko tapos umalis siya at least kahit papano tinanong niya ako kung kakain rin ako kahit umalis siya ng basta basta. That was sweet tho. Pwe!

Ilang minuto ang nakalipas ng bumalik ang unggoy na may dalang dalawang supot ng pagkain na may tatak ng ulo ng pulang bubuyog.

Inilapag niya ang isang supot sa table ko. Kaya tiningnan ko ito tapos tiningnan ko rin siya.

"Lunch ka muna." Sabi niya at nagpakawala na naman ng nakakairitang ngiti abot mata.

"Ayoko. Hindi pa ako gutom." Napangiwi ako dahil ilang segundo lang ang lumipas matapos akong magsalita ay tumunog ang traidor kong tiyan. Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng office, walang ingay kaya sigurado ako na narinig rin niya ito.

"Maniniwala na sana ako kaya lang kumontra ang tiyan mo. Hahahaha." Tumawa siya at binuksan ang mga pagkaing nasa harapan ko. Kaya wala akong nagawa kundi tanggapin nalang ito.

"Pakipot." Sabi niya sa kabilang table kung saan nag umpisa na siyang kumain.

"Anong sabi mo?!" Galit na angil ko sa kanya.

"Wala, sabi ko ang ganda mo." Sagot niya nang pabalang.

"Buti alam mo." Kinuha ko ang mga kubyertos at inumpusahan nang kainin ang dala niya.

"Woah! Presko!" Pinaypayan niya ang sarili niya sa pamamgitan ng pagtaas baba ng collar ng damit niya. Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang pagkain, kunwari wala akong kasamang unggoy dito sa loob ng office.

"Salamat sa libreng lunch ha." Kahit naiinis ako sa katauhan niya hindi naman ako ganoon kabastos para hindi magpasalamat sa kabutihang ginawa niya.

Kaya pagkatapos kung kumain, buong puso akong nagpasalamat sa kanya.

"Ano ka ba?" He paused for a while tapos tumayo siya at hinarap ako. Siguro sasabihin niya lang naman na okay lang diba? "Wala nang libre sa mundo ngayon. A kiss will do." He said in a husky voice tapos mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin, wala akong ibang nagawa kundi ang lumunok at ipikit ang mata ko.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon