Si Papa ang nagpresinta na ihatid ako ngayon dito sa resort kasi hinatid din naman niya si Matt, sa taek won do practice niya.
"Andito na si Ate Gab." Sigaw ng grade 8 representative na officer nang makita niya ako.
"Hala! Ako na lang ba ang hinihintay? Sorry ah, hinatid pa kasi namin ang kapatid ko." Paghingi ko ng paumanhin, usually kasi ako ang naghihintay palagi. Ayoko nang ako yung hinihintay nagi-guilty ako pag ganoon.
"Ano ka ba Ate, okay lang at tsaka hindi lang naman ikaw ang kulang." Sagot ng isa ring officer.
"Good afternoon, Miss Pres." Nakangiting bungad ng unggoy sa akin.
"Anong maganda sa hapon kung ikaw ang babati?" Supalpal ko.
"Palagi mo talagang sinasaktan damdamin ko." Echosera talaga. Buti nga damdamin niya lang ang nasasaktan, ako kasi nasisira talaga ang buong araw tuwing nakikita siya.
"Bakla." Mahina kong bulong kaya sigurado akong hindi niya iyon narinig.
"Akin na nga yang dala mo, mukhang mabigat. Baka mag upgrade ka ulit. From Panda to matabang camel. Wahahahaha!" Hinampas ko sa kanya ang backpack na dala ko, puno ito kaya sigurado akong masakit pero nakuha niya ito sa akin tapos itinakbo niya papalayo kaya hinabol ko rin pero dahil malaki ang mga yabag ng paa niya ay hindi ko na siya naabutan pa.
Tumigil nalang ako at kumuha ng maraming hangin, nakakapagod siyang habulin.
"Ate Gab, nasaan na si Kuya Keith? Magkasama kayo diba?" Nilingon ko ang nagsalita sa likod ko at nakita ko ang ibang kasama ko na wala nang mga dala.
"Ewan ko sa kanya. Saan niyo nilagay mga gamit niyo?" Sagot ko tsaka tinanong kung saan nila inilagay ang mga gamit nila para pagnakuha ko na sa unggoy ang mga gamit ko doon ko na rin ilalagay.
"May nakuha na akong tutuluyan natin ate kaso 3 na lang ang available, punuan kasi weekend ngayon nakalimutan pala nating mag pareserve." Napakamot sa ulo ang isang officer na in charge dito sa hang out namin ngayon.
"Mga ilang tao ang pwede sa isang room?" Tanong ko sa kanya.
"Good for 6 persons po, yun nga ang inaalala ko kasi 20 tayo lahat, may dalawang sobra." Bakas sa mukha niya ang pag aalala kaya nag isip ako ng paraan kung saan matutulog ang dalawa.
"Sa sahig nalang ako matutulog. Hahaha." Dalawa lang naman ang sobra, bahala na mamaya isang gabi lang naman kaya naman sigurong magawan ng paraan.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
Fiksi PenggemarLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...