Since annual foundation week is coming, naging abala ang buong Council sa paghahanda para sa buong event. 1 week nalang bago ang event kaya sobrang aligaga na kaming lahat. Ito ang unang event na ihahandle ko at ng buong SC kaya sobrang pressure pero hangga't maari ay hindi ako nagpapaapekto masiyado kasi if I will let the pressure eat me, surely this event will lead to nowhere and of course I do not want it to happen, I don't want everyone to be disappointed.
Being busy would be an understatement to define what we are right now. Pero nagpapasalamat naman ako na hindi ako iniiwan ng co officers ko, everyone was doing there assigned tasks.
Wala na akong naging problema sa officers, tolerable na ang VP naming unggoy, matapos ang hindi maganda naming pag uusap dati dito sa office, nakita kong naging dedikado na nga siya sa ginagawa niya.
Pero siyempre di ko pa rin maiiwasan na mainis sa kanya katulad ngayon, everyone was cutting out something for the design while he is busy texting. Kanina ko pa napapansin ang pag text niya parati pero pilit kong kinakalma ang sarili ko, pinipigilan ko ang bibig ko baka may masabi na naman akong hindi maganda marami pa namang tao dito sa loob. Nakakainis lang kasi siguro naka 20 cut outs na ako pero siya lima pa lang ang nagugupit kasi nga panay ang text. Baka nagkabalikan na sila nang sugar Mommy niya.
Pumasok ang Adviser namin sa SC at una kong tiningnan ang VP naming unggoy at ayun tinago agad ang cellphone niya sa bulsa. PLASTIK!
Kinausap ako ng adviser namin, kinamusta niya ang preparation, at kung ready na daw ba. Actually okay na halos ang event na mag uumpisa next week, everything is ready, ngayon nga gumagawa na kami nang para sa stage design.
Since there are 4 sections in each year level sa junior at senior high and also 4 sections in each grade sa elementary napagisipan ko na haluin at hatiin sa apat na teams. Gods and Goddesses themed ang foundation day ngayon kaya ang apat na teams ay pinangalanang Apollo, Athena, Poseidon at Hermes.
There will be three categories, Academics, Non-Academics at Sports. Sa Acads quiz bowl lang ang event, different subject areas, Sa Non-Acads naman merong Hip-hop competition, Singing Contest, Character Impersonation, Photojournalism, Modelling, Cheerdance at ang highlight na Mr. and Ms. Foundation 2017. Sa sports naman, basketball, badminton, soccer at volleyball lang. So padamihan ng panalo sa lahat ng categories para makuha ang over all champion.
May mga booths din sa event ang mga estudyante na gusto lang ang bahala kasi sa kanila naman mapupunta ang proceeds ng mga booths.
I checked the time in my wrist watch, quarter to seven na pala.
"Guys! Pack up na tayo gabi na pala. Bukas nalang ulit." Sabi ko pagkatapos ay iniligpit na ang mga kalat at inayos ang mga nagawa na naming designs.
Nag umpisa nang magsialisan ang iba kaya mangilan ngilan nalang kaming natira. Nagulat nga ako kasi andito pa rin ang unggoy naming VP.
"Oi! Baka may date ka pa." Sabi ko sa unggoy naming kasama, baka kasi sisihin niya pa kami kung malilate siya sa date nila nang sugar Mommy niya.
"Kung meron, magseselos ka?" Ikinabigla ko ang sunod na sinabi niya. Wow ha! Okay ka lang?!
"Whoah! Presko." Sabi ko sa hangin habang pinapaypayan ang sarili ko.
"Sorry cool kasi ako Miss Pres." Aish ewan! I just rolled my eyes nang hinarap niya ako at kinindatan, wala akong mapapala kung kakausapin ko ang unggoy na ito.
Sumabay na ako kina Fatty at Tristan palabas, iniwan namin ang unggoy na si Ciudadano sa loob ng office bahala siya, sana totoo ang mga bali balitang may multo dito kaso kung mayroon nga baka yung multo pa ang matakot sa mukha niyang katulad sa pamilya niyang chimpanzee at orangutan.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
FanfictionLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...