Kabanata 6

57 14 5
                                    

Today is the last day of the week long celebration of the foundation week, kumbaga ito ang highlight ng event. The whole week went well under SC's supervision. The students seemed to enjoy the foundation week while the student council looks like having a horrible look of being zombies. Ito yung pinakadisadvantage kung may event kayong hinahandle, hindi niyo ito ma eenjoy kasi busy kayo sa pagpapanatili ng kung ano mang kinakailangan para sa event. But this is a call of duty, ginusto naming mapunta dito kaya paninindigan namin ito.

I was supposed to be there in the crowd, screaming, shouting, and chanting my best friend's name who's joining in the pageant but here I am, sitting in the table with the other high positioned officers of the students council beside the stage waiting for the inconveniences that might happen.

"Ate Gab, nakasali ka na sa pageants?" Tanong ni Joanna, the SC Auditor.

"Hindi pa. Bakit?" Formal attire na ang ganap ngayon sa stage, ang gaganda ng mga gowns ng mga babae but what I love most, okay hindi sa nagiging biased ako ha pero parang ganun na rin hahaha, is yung Liza Soberano look alike gown ni Marielle, pinasadya talaga niya na gayahin ang gown ni Liza sa nakaraang Star Magic ball and it completely fits her. Ang mga lalaki naman of course lahat naka suite, ewan ko nga ba pero hindi ko talaga makita ang kaibahan pagdating sa mga suites nila feeling ko kasi pare parehos lahat ng design nito, nag iiba lang sa kulay at size pero pareho talaga kaya nagtataka ako kung paano nila napipili ang best in formal attire sa mga lalaki gayung pare parehos naman ang design ng mga damit nila.

"Talaga?" Manghang tanong niya, ano bang nakakamangha doon? Hindi ko pa na experience sumali sa mga pageant kasi simula grade 8 SC officer na ako and besides I am not a beauty queen material. 5 feet lang ang height ko utang na loob, tapos hindi rin ako kumpiyansang masasagutan ko ang Q&A nang hindi nauutal.

"Hindi iyon nakakapagtaka Jo, maliit siya, may katabaan, may boobs nga wala namang pwet." Hindi ko na hinintay na dagdagan niya pa ang panlalait na sinasabi niya kaya binatukan ko na. Hindi na siya nahiya, kung makalait siya parang wala ako dito ah.

"Kung makapanglait ka, akala mo sobrang gwapo mo! Hoy! Mukha kang unggoy!" Singhal ko sa kanya bilang ganti. Sobrang taas talaga nang tingin niya sa sarili niya, hindi porket alam niyang maraming may gusto sa kanya may karapatan na siyang laitin ako.

"FYI Miss Pres, naging 1st runner up kaya ako sa nakaraang foundation week celebration." Ang hambog talaga, anong paki namin kung nakakuha siya ng place sa pageant noon?

"Walang nagtatanong." Sabi ko tapos itinuon na lang ang pansin ko sa stage. Hindi talaga pwedeng magsama kami sa iisang lugar ng hindi nag aaway. Sa totoo lang, mabait naman talaga ako sa lahat bago ko nakilala ang baklang unggoy na nanalo bilang Vice President ng Student Council dahil sa marami siyang nauto gamit ang ngiti niyang ansarap unatin para ma deform ang mukha niya.

Announcement na nang runner ups hindi ko alam kung kinakabahan ang naka full smiles kong kaibigan sa stage pero ako kasi sobrang kinakabahan na para sa results. Maraming nakuha si Marielle na minor awards pero hindi naman iyon ang basehan para sa panalo bilang Ms. Foundation 2017.

Natapos na ang 2nd runner up dalawa nalang sila ang natira at 1st runner up at Ms. Foundation week nalang ang pinaglalabanan. I was silently praying na sana manalo talaga si Marielle, matapos ang ilang sandali pangalan niya nga talaga ang tinawag.

Right at that moment feeling ko ako ang nanalo, I jumped and screamed in happiness well happiness is an understatement. Wala akong pakialam kung anong sabihin ng mga tao sa paligid ko basta masaya ako para sa kaibigan ko. Nang nakita kong umakyat na sa stage ang mga kaibigan ko tumakbo rin ako papunta sa stage.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon