Kabanata 14

46 15 3
                                    

"Babe." Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Isa kasi siya sa may hindi ko malilimutang tinig sa tanang buhay ko dahil sa dami ng atrasong nagawa niya.
"Anong kailangan mo?" Pangunang bungad ko sa kanya.

"Uuwi ka na?" Tinapunan ko siya ng tingin habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Anong paki mo?" I hate nosy people lalo na yung mga taong hindi ko naman kaclose.

"Ito naman high blood agad. Teka! FS iyan diba? Ipapasa mo? Sama ako." Magtatanong tanong alam naman din pala ang sagot. Siya yung nagtanong siya din naman ang sumagot. Haist.

"Bahala ka sa buhay mo." Yun na lamang ang nasabi ko, okay lang naman kasi sa akin na may sumama sa pagpasa ng financial statements, mas mabuti nga iyon kaso ang unggoy ang nagprepresenta iyon ang hindi okay.

Pinasa lang namin ang financial report kaya hindi kami natagalan, sabi kasi ni Miss Bornasal okay naman daw iyon ipapatawag nalang daw ako kung may problema.

Pagkalabas namin ng faculty office, nag uumpisa nang pumatak ang ulan. Tumingala ako sa langit at sobrang itim ng mga ulap, nagbabadya talaga ang malakas na ulan.

"May payong ka?" Hindi ako nagdadala ng payong. Hinahatid at sinusundo naman ako palagi, isa pa dagdag lang sa bigat at pampasikip sa ispasyo ng bag kung magdadala ako ng payong araw araw.

"Wala." Umiling ako at nag umpisang maglakad hindi pa naman kasi malakas ang patak ng ulan.

"Wow! Girl scout." Tukso ko sa kanya ng makita kong naglabas siya ng payong galing sa backpack niya.

"Ano ako bakla? Saan ka?" Ngumiwi ako kasi sinupalpal niya na naman ang panunukso ko.

"Sa parking lot, tingnan ko kung andoon na si Manong Steve." Nauna akong maglakad kaso hinabol niya ako dala ang payong niya, ang arte nito hindi naman malakas ang ulan may papayong payong pang nalalaman.

"Asan sasakyan niyo?" Nandito kami nakatayo sa usual parking area ni Manong Steve pero wala siya at ang sasakyan. Mag aalas sais na, dapat hinihintay niya na ako.

"Teka lang, tatawagan ko." Tinawagan ko si Manong Steve pero sabi niya nagpasama si Mama sa seminar sa Victorias at hanggang ngayon hindi pa daw natatapos kaya sumakay nalang daw ako.

Nagpaalam ako kay Keith na aalis na kasi pupunta ako sa kabilang gate kung saan may mga nakaparadang taxi. Pero siguro nahiya siya kaya pinilit niya akong ihatid nalang.

Nagmatigas ako na sasakay ng taxi kaso mapilit rin siya kasi gabi na raw, delikado, may punto siya kaya wala na akong nagawa, pumayag nalang ako kesa buhatin niya na naman ako ng walang pasabi.

"Ma, sa likod ka may nakaupo diyan." Rinig na rinig ko mula dito sa loob ang pagpigil ni Keith sa Nanay niya na buksan ang front seat kung saan ako nakaupo pero huli na ang lahat kasi nakita niya na ako.

Habang nasa daan kami kanina tumawag ang nanay niya, nagpapasusundo sa grocery store na saktong daanan naman pauwi kaya dinaanan nalang namin.

"Dito nalang ako Keith." Lumabas ako sa sasakyan niya bitbit ang bag ko.

Kung naging mas matigas sana ako kanina at hindi pumayag na magpahatid sa kanya edi sana hindi ako makikita ng nanay niya. Huhuhuhu! Lord help.

"Oh." Napasinghap siya, she doesn't look strict but I can't help to tremble and feel ashamed.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon