Monday ngayon, unang araw ng pasok sa linggo. Kanina pa ako kinakabahan, dala ko kasi ang post birthday gift ko kay Keith at kanina ko pa pinag iisipan kung paano ko ito maiibibigay sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito ibibigay sa kanya na hindi kami makikita ng mga barkada niya at mg kaibigan ko. Ayoko kasing tuksuhin kami at makakuha ng atensiyon.
Nakasalubong ko siya kanina sa corridor pero yumuko lang ako at nagkunwaring hindi siya nakita.
Tapos na ang klase namin at nagpaiwan muna ako, nauna nang umuwi ang mga kaibigan ko. Hindi ko nga lang alam kung nandito pa sa campus ang unggoy na si Ciudadano. Kung wala na siya...anong magagawa ko? Haist!
Kanina pa ako paikot ikot dito sa campus pero ni anino niya wala akong makita, saan kayang butas yun nagsusuot?
I took my phone out from my pocket and texted him.
To:09*********
Saan ka? Puntahan mo muna ako dito sa park may ibibigay lang ako.Okay lang ba yung text message ko? Ang bossy ko yata. Pinaglaruan ko ang cellphone ko, pinaikot ikot ko sa kamay ko habang umuupo sa isang bench dito sa park at sinsipat ang mga mata dahil baka dumaan ang unggoy dito.
Calling....
09*********"Saan ka?"
Hindi ba niya nabasa ang text ko? Sinabi ko namang nasa park ako diba?
"Sa park nga."
"Hintayin mo ako, 5 minutes lang." Naririnig ko ang mga maingay na boses ng mga lalaki at pagbukas sirado ng mga pinto. Asan kaya siya?
"Okay." Sagot ko tapos pinatay ang tawag.
Pinagpatuloy ko ang pagpapaikot ng cellphone ko ngunit hindi nagtagal tumambad na sa harap ko ang unggoy na hinihintay ko.
"Akala ko, 5 minutes? Eh kakababa ko pa lang ng tawag ah." Inangat ko ang mukha ko para makita siya. Nakasuot siya ng jersey shorts at puting t shirt habang may bitbit na duffle bag na may malaking tsek ang gilid.
"Sa shower room lang ako galing, kakatapos lang kasi ng practice game." Umupo siya sa tabi ko at amoy na amoy ko ang bango niya. I love this smell talaga, katulad kay Papa hindi masakit sa ilong. "Ano yung ibibigay mo?" Biglang sumibol muli ang napawi nang kaba sa dibdib ko. Unti unti kong binuksan ang bag ko at kinuha ang kahon ng relo at diretsong binigay sa kanya.
"Para saan ito?"
"Birthday gift." Yumuko ako at tiningnan ang sapatos ko kasi nahihiya ako baka hindi niya magustuhan.
"Tapos na birthday natin ah." Natatawa niyang sambit.
"Post birthday gift. I stand corrected." Wala akong nakitang emosyon sa mukha niya, ni hindi nga siya ngumiti kaya siguro hindi niya ito nagustuhan. Sabi na nga ba iba talaga kung lalaki ang pipili, ang arte kasi ng kapatid ko hindi man lang ako tinulungan. "Sorry ha, kung hindi mo nagustuhan. Yung kapatid ko kasi yung pinapili ko kaso di ako tinulungan kaya sa saleslady nalang ako nagpatulong." Dagdag ko.
"Sinong nagsabi na hindi ko nagustuhan? Saktong sakto sa kamay ko oh." Ngumiti ako kasi tinago niya ang relong suot niya at nilagay sa kamay niya ang binigay ko. "Thank you."
"You're welcome. Sige mauna na ako." Kinuha ko ang bag ko at tumayo na.
"Hatid na kita." Tumayo na rin siya at sinabit sa balikat ang duffle bag niya.
"May sundo ako."
"Edi sa parking lot." Tumango ako at ilang saglit sumunod rin siya sa paglalakad ko.
Natigil ako sa paglalakad ng hinawakan niya ang mga kamay ko. Nilingon ko siya, at nakita ko ang mga ngiti niyang abot mata.
"Suot mo." Binababa ko ang mga tingin ko sa kamay ko. Ngumiti ako at tumango, yun pala ang nakita niya.
"Hindi ko inakalang susuotin mo iyan." Nakangiting sabi niya. Ako rin nga hindi ko inakalang tatanggapin ko itong regalo mo at mas lalong hindi ko inasahang susuotin ko pa ito.
"Maganda kasi." Rason ko.
"Mas maganda ka pa rin." Tsk. Tsk. Tsk. Boys and their flowering words. Iyan ang pangunahing rason kung bakit nahuhulog ang mga babae. Masiyadong mabulaklak ang kanilang lengwahe pero pustahan tayo, paulit ulit lang naman ang sinasabi nila. Ginamit nila sa isa, gagamitin din sa isa tapos kung hindi uubra maghahanap muli ng isa tapos doon muli gagamitin ang mga naipong salita. Haist.
"Sus! Kamay mo, tsansing ka na eh." Agad niyang binitiwan ang mga kamay ko at kinamot ang batok na wari'y nahihiya. Dapat lang noh.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
FanfictionLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...