This past few days, I've been receiving random gifts from an anonymous person. Each gift is accompanied by a note saying corny shits.
Pero sa halip na kiligin ako, naiinis ako sa bawat regalo na natatanggap ko. Paano ba naman kasi halatang iniinis ako ng nagbibigay kasi lahat ng binibigay niya hindi ko gusto.
Lunes, may nakalagay sa upuan ko na chocolate with nuts, peanut butter, adobong mani, at nilagang mani. I don't hate nuts, I just always get an allergic reaction whenever I eat it. Namamaga ang buong katawan ko.
Noong Martes naman pagdating ko may nakalagay ulit sa upuan ko, black rose, black rice, black paint, black box ng Abs-Cbn tapos may print out picture pa na namamaga ang mata(black eye), Ice cream na ube flavor, mangosteen at talong na tinabunan ng kulay-lila na tela. I hate those two color, it brings a not so nice impression in me.
Sa bawat araw na may natatanggap akong regalo, agad itong pinag pipiyestahan ng mga kaibigan ko, sa kanila nalang daw kesa itapon ko kaya binibigay ko rin kasi nga di ko naman magagamit.
Sa sumunod na araw katulad ng mga nakaraang araw may nakalagay ulit sa upuan ko isang CD. Train to Busan ang title, nabasa ko sa likod na about ito sa zombies, goodness! I love zombies, I mean I love watching about zombies. I love fictitious stories like wolves and vampires. Kaya itinago ko ito sa bag ko kasi panonoorin ko sa bahay.
Pinanood ko ito, unlike other zombie stories hindi siya nakakatakot instead nakakaiyak siya. Grabe ang agos ng luha ko hanggang sa huling tagpo. It's a Korean movie pero maiintindihan mo naman kasi may English subtitle.
Hindi pa rin maalis ang mga mata ko sa screen ng laptop kahit alam kong tapos na dahil list of characters na ang lumalabas. Sumisinghot ako sa tissue dahil hindi pa rin ako makarecover sa napanood ko ng biglang may umungol at nag iba ang lumabas sa screen, lalakeng hubo't hubad na nakapatong sa babaeng wala ring saplot sa katawan at may ginagawang milagro na sumasayaw sa ginagawa nilang ritmo. Nataranta akong sinarado agad ang laptop dahil baka may makakita. Huhuhu! First time kong makanood ng ganoon, klarong klaro sa pandinig ko ang mga ungol dahil naka full volume ang headphones ko. Gusto kong masuka dahil sa nakita at narinig ko, it was so gross! What the heck!
Nang sumapit ang Huwebes meron ulit nakalagay sa upuan ko, but unlike the other days this time sobrang saya ko kasi Harry Potter treasure box ang nasa upuan ko. Nagmadali akong tumungo doon, I'm one of those people who was cast by HP spells kaya sobrang saya ko nang makita ko ito, wala kasi akong ganito mahal kasi siya. Hindi siya economical sabi nina Mama kaya kahit gustong gusto ko, hindi ako nabibilhan ng ganito.
Umalingawngaw sa buong silid ng section namin ang sigaw ko nang makita ang laman ng treasure box! Puno ito ng ipis. Kaya ayun tinapon nalang ng mga kaibigan ko ang treasure box, itatapon lang sana nila ang mga ipis para pwede pang gamitin ang treasure box kasi sayang naman talaga, kaso baka pagalitan kami pag kumalat ang ipis dito sa eskwelahan so kasabay ng ipis tinapon rin namin ang box. Sayang talaga yun.
Today's Friday pero di gaya ng ibang araw, pumasok ako ngayon ng maaga para mahuli at masaksihan ko kung sino ang nagbibigay sa akin ng kung ano anong mga bagay nitong nakaraang araw.
Nagtago ako sa likod ng pinto ng silid namin, hindi ako nakakasigurado na hindi ako makikita dito pero nagbakasakali pa rin akong makita ang taong naglalagay ng kung ano ano sa upuan ko.
Sinasarado lang ang pintuan namin pag mag uumpisa na ang klase dahil sa aircon pero pag maaga pa, nakabukas pa ito kaya sana hindi talaga ako makita dito para mahuli ko kung sino man siya.
I checked the time in my wrist watch, 6:30 na nang umaga, kaninang alas sais pa ako dito eh. Hindi kaya natunugan niya ang binabalak ko?
8:00 ang pasok namin sa first subject, hindi kaya pinagkakaisahan lang ako ng mga kaklase ko tapos kakuntsaba nila ang mga kaibigan ko?
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
FanfictionLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...