"I meant it." I assured him.
"Sana nga. Nag uumpisa na kasing mawalan ng halaga para sa akin ang salitang yan." Sabi niya gamit ang garalgal na boses. "Kanina, nag-usap kaming dalawa at ilang beses siyang paulit ulit na humingi ng tawad. Pero hindi ako nakaramdam ng sinseridad sa bawat 'sorry' na sinasabi niya, parang normal lang na salita ang binibitawan niya ng paulit ulit." Wala man siyang nabanggit na pangalan, alam ko kung sino ang tinutukoy niya pero ang ipinagtataka ko lang e kung bakit niya sinasabi sa akin ito? Ni hindi nga kami magkaibigan. "Umasa ako na baka balang araw, kaya niya rin akong ipaglaban, ipakilala sa buong mundo bilang kasintahan niya dahil ako, kaya kong gawin yun. Ano mang oras na sabihin niya." Dugtong niya.
"You deserve someone who knows how to make things up to you after hurting you, not someone who is very good with just the word sorry." I haven't been into a relationship kaya hindi ko alam kung yun nga ba ang tamang sabihin para aluin siya.
"Yun nga ang tanga ko, kasi kahit ngayong kasal na siya, umaasa pa rin ako sa kanya na baka balikan niya ako at baka maisip niya na mas mahal niya talaga ako." Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, is he serious?!
"Oh my goodness! I couldn't believe that you are so stupid! Tanga ka ba? Pumayag ka na makipagrelasyon sa kanya habang may karelasyon siyang iba tapos hindi ka pa kuntento?! Gusto mo pang maging kabit talaga?! It's a sin Ciudadano! Kasalanan yun sa mata ng tao at sa mata ng Panginoon." Ngumisi siya at tiningnan ako, mata sa mata.
"Tanga na kung tanga, mahal ko eh. Kaya kong gawin lahat Gab, lahat para sa kanya. Hindi ka kasi ang nasa posisyon ko kaya hindi mo ako maiintindihan. Hindi ko nga alam kung bakit ko sinasabi sa iyo ito gayung alam ko naman na kahit anong gagawin ko, kokontrahin mo." Wow! Ako pa ngayon ang mali, like seriously?! Ako pa talaga?! Seryoso ba siyang ako ang sinisisi niya?!
"If love could make you this intricate, I'd rather not experience it even once in my life." Hindi ko kaya ang bigat ng mga tingin niya kaya ako na ang nagkusa na bumitiw sa titigan naming dalawa.
Why enter in a relationship if you'll just hurt yourselves afterwards? If hurting will be the repercussion, then why love?
"Pero iyang masalimuot na pagmamahal na sinasabi mo ang makakapagpasaya sa iyo ng sobra pa kesa sa inaakala mo." Para akong batang tinuturuan ng alphabet ng magulang ko. Experience lang naman yung lamang niya, but we're on the same age pero kung makapagsalita siya parang 60 years old na beterano sa pagmamahal.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
FanfictionLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...