"Ate!" Tawag ni Marc sa babaeng naka wedding dress. Yung babaeng nakita ko sa restaurant noon at ang babaeng ex ng katabi ko ngayon.
Tiningnan ko si Ciudadano, kumakain pa rin siya pero kung pagmamasdan mong mabuti ang mga kamay niya, makikita mong nanginginig ang mga ito habang nakahawak sa kubyertos.
Lumapit ako ng konti at bumulong sa kanya.
"Control your senses, nanginginig ka." Nagulat ako kasi bigla niya akong itinulak na parang diring diri siya sa akin. Anong problema niya?!
Inangat ko ang mukha ko at nakita kong nakatingin sa amin si Marc at yung ex ni Keith.
"Ate, si Gab pala. President namin sa school." Sabi ni Marc sa Ate niya bilang pagpapkilala sa akin.
"Hello, Charlene nga pala. Nice to meet you." Nakangiting sabi ng Ate niya, para akong nakakita ng anghel. Sobrang ganda niya kapag ngumingiti, soft ang features ng mukha niya kaya sobrang bait niyang tingnan. Tapos kung magsalita siya sobrang ingat na ingat, yung tipong pinag iisipan muna ang mga salitang dapat sabihin bago magsalita.
Grabe! Hindi ko rin masisi si Ciudadano kung bakit na inlove siya dito at pumayag siyang itago lang siya.
"Hehe. Same." Sabi ko at inabot ang kamay niyang naghihintay upang kamayan. Sinadya kong idikit ang braso niya sa kamay ng katabi ko. Wahahahahah. Biglang nagulat ang unggoy. Wahahhahah.
"Congrats." Mahinang sabi niya sa ex niya, shieeeks! This is so AWKWARD! Wahahahaha!
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya habang nakatitig sa mala anghel na mukha ng ex niya. Sobrang iba sa palagi kong nakakita, oo palangiti siya at abot parati sa mga mata niya pero iba ito ngayon, ibang iba. Maybe this is how magical love is. Eeeiw! So CORNY!
"Thank you. Maiwan ko muna kayo ha teka lang." Sabi ni Ateng ex ni Ciudadano bago nagmadaling umalis.
"Dude. CR muna ako ha." Pinunasan niya ang bibig niya tsaka tumayo kaagad.
"Sige ba, ako na munang bahala dito kay Gab, wag kang mag alala." Psh. CR daw, pustahan tayo susundan niyan ang ex niya. Well kabisado ko na ang mga ganitong eksena.
"Marc, matagal na kayong magkaibigan ni Ciudadano?" Ako na ang nagbukas ng usapan, kanina pa kasi umalis yung unggoy hanggang ngayon hindi pa bumabalik, nageenjoy siguro masiyado sa pakikipag usap sa ex niya habang ako iniwan sa kaibigan niyang ngayon ko lang nakilala.
"Ni Keith? Hmmmm. Matagal na rin, simula pagkabata magkakilala na kami kasi malapit lang yung bahay namin sa kanila kaso binenta ang bahay namin dahil doon sa Maynila mag aaral ang ate ko ng kolehiyo. Bumalik kami nang grade 11 na ako dito sa Negros." So mag iisang taon na silang nakabalik dito, kailan kaya nag umpisa ang relasyon ng dalawa. Intriguing kasi tinago nila eh.
"Close din ba yung Ate mo at si Keith?" Nananalangin ako na sana hindi niya mahimigan na may alam akong hindi niya alam sa namamagitan sa ate niya at kaibigan niya.
But from the looks of it, parang wala lang naman sa kanya, so medyo safe naman ako dahil wala talaga siyang idea.
"Si Ate at si Keith? Nakuuu! Ni hindi nga iyon nagpapansinan minsan, halos batian lang ang kaya ng mga yun." Tumango tango ako bilang sagot, wala talaga silang kaalam alam na may namamagitan sa dalawa, in all fairness sa kanila ha, ang galing nilang magtago. "Kayo? Mukhang close na kayo ni Keith ah." Dugtong niya.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
Fiksi PenggemarLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...
