Kabanata 11

47 15 12
                                    

"Gab." Nagising ako sa mahinang pagtampal ni Keith sa braso ko.

I opened my eyes and it wasn't midnight anymore, I can see the sun shining.

"May pinara na akong tricycle, mag commute ka nalang pauwi umaga na naman." Tumango ako kahit hindi sigurado sa mangyayari sa akin. Yes I ride in public vehicles sometimes but I usually take taxi not a tricycle.

Tinulungan niya akong bitbitin ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng tricycle, isang backpack at isang shoulder bag lang naman ang dala ko.

Pinaandar na ni Manong ang tricycle niya at akma na sanang aalis ng pinigilan ko siya.

"Ciudadano!" Sigaw ko sa kanya.

"Ano?" He mouthed at lumapit sa tricycle.

"Diretso ba ito sa bahay?" Tumawa siya ng tumawa, ano ba ang mali sa tanong ko? Sinisigurado ko lang naman na makakauwi ako ah, baka kasi hindi kaya ng tricycle.

"Ihahatid ka niya hanggang higway lang tapos sasakay ka nang bus." Is he serious?! I'll take two rides?

"Wait! Mag do-double ride ako?!" I panicked! When I commute I take taxi para diretso hatid ako hanggang sa bahay, isang sakayan lang iyon. I hate to admit this pero hindi ako marunong pag marami nang sinasakyan. Natatakot akong maligaw.

"Tsk. Tsk. Rich kids problem nga naman oh." Pumasok siya sa loob ng tricycle at tumabi sa akin. "Manong, tara na." Sabi niya sa driver.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Sasamahan ka, hindi ba obvious?" Nahihirapan kaming dalawa sa loob, medyo masikip kasi ang tricycle, kasya nga kami gitgitan naman.

Bakit dito pa kasi siya sumiksik? Pwede namang sa likod ng driver.

"Paano ang sasakyan mo? Ang mga gamit mo?" Wala siyang dalang bag, nakikita kong wallet at susi lang ang dala niya, paano kung ma hijack ang sasakyan niya? Sayang ang mga gamit, halata pa namang mamahalin ang lahat ng iyon.

"Hindi iyon doon mawawala." Okay, so this man doesn't have trust issues. Sa dami ng mga krimeng nangyayari ngayon, kampante pa rin siya? Hindi ba siya aware sa mga ito?

"Pag nasa highway na tayo ano nga ang susunod na sasakyan?" Tanong kong muli, napagdesisyunan ko kasi na ako nalang ang uuwi mag isa, pagdating namin sa highway papababalikan ko ang sasakyan niya sa kanya. Mahirap na kasi baka manakaw, sayang talaga.

"Bus, bababa tayo sa bus stop tapos tricycle papunta sa inyo." So three rides lahat? Okay, this is adventure. Sana makauwi ako sa bahay ng matiwasay, God bless my journey this day. Amen.

Medyo malayo ang highway mula sa sinakyan namin kanina. Barrio talaga yun eh, I stayed a night in a barrio , sleeping in a chair of a car. First time lahat ng yun! Geeez! So proud with myself, nakaya ko rin pala so maybe makakaya ko rin ang paglipat lipat ng sakay.

Nagpumilit si Keith na samahan ako hanggang sa bahay dahil nga baka mawala ako but I refused. Sinabi kong kaya ko, tatandaan ko lang ang instructions and directions na itinuturo niya.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon