Kabanata 28

22 2 2
                                    

From: KMC
Andito ako sa labas.

Umupo ako bigla sa kama at binasa muli ang text niya. Ano daw? Tumayo ako at dumiretso sa bintana, at nang hawiin ko ang kurtina nakita ko ang kotse ni Keith sa tapat ng gate namin.

Nagsuot ako ng jacket at dahan dahang lumabas ng bahay para harapin si Keith sa labas.

Kinatok ko ang bintana sa driver seat, at ang unggoy niyo pong prinsipe hindi man lang ako binabaan ng bintana sa halip tinuro lang ang shotgun seat ng kotse niya.

Wala akong nagawa kundi ang umiling at umikot papunta sa shotgun seat ng upuan niya. Good thing bukas ito kaya nakapasok agad ako, sinalubong niya ako ng dalawang kutsara at isang gallon nang cookies n cream ice cream.

"Tinotoo mo talaga?" I said while giggling.

Binigay niya sa akin ang isang kutsara at binuksan niya ang ice cream. Agad akong kumuha ng isang scoop gamit ang kutsarang binigay niya. Woooh! Heaven! Craving satisfied.

"Akala mo kasi palagi lang akong nag jo joke." Seryoso niyang sabi.

"Seryoso ka na niyan? Hahahaha."

Pinahiran niya ang ice cream sa gilid ng labi niya at pinahid sa tungki ng ilong ko! Bwesit!

"Ang bastos mo!" Pinahiran ko ng pinahiran ang ice cream na pinahid niya sa ilong ko. Ang lagkit kaya.

"Hala! Hindi naman kita binosohan ah." Hinila ko ang buhok niya at sinabunutan ng mahina.

"Nakita mo na rin pala dati ang babaeng nakakulay itim at nakakadena ang kamay at paa?" I opened the topic.

"Oo, kasama ko si Marc noong una." Sabi niya at pinipigilan ang tawa.

"Bakit ka natatawa?"

"Hindi kasi ako makapaniwala na sa laki mong iyan nakayanan kitang buhatin papunta sa parking area. Whahaha. Adrenaline rush." Tiningnan ko siya ng masama. "Di joke lang, ang gaan mo kaya. Parang nagbubuhat lang ako ng mga isa at kalahating sakong bigas." Napailing nalang ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain ng ice cream. "Tandang tanda ko pa ang mukha ni Marc nang nakita namin ang babaeng yun. Ang bakla niya grabe! Hahahahaha!" Dugtong niys tsaka muling tumawa, halos hindi na nga siya makahinga sa pagtawa.

"Nagsalita ang hindi natakot, halos wala na ngang dugo ang mukha mo nang lumingon ako sa iyo." He cleared his throat at umayos ng upo.

"Maputi lang talaga ako." Kumuha siya muli ng ice cream sa lalagyan.

"Reason.com." Tukso ko pero hindi na niya pinatulan pa.

"Ala una na pala?" Sinilip ko ang cellphone niya at tama nga siya, lampas ala una na pala.

"Hala!" Nataranta ako bigla kaya natapon ko ang kutsara na hawak ko sa sahig ng kotse niya.

Yumuko ako at ganoon din siya kaya nauntog kaming dalawa.

"Sorry." Sabay naming sabi kaya tumawa kami pareho.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon