Kabanata 15

44 7 10
                                        

"Pinabibigay ni Mama." Habang dumadaan kami sa hallway kung saan palaging nakatambay si Keith at ang mga kaibigan niya tinawag niya ako at inabot ang isang box na may pulang laso sa itaas.

Tinapunan ko and dala niya ng tingin bago nagtanong kung para saan ito.

"Basta, ipinabibigay ni Mama." Hindi ko pa rin ito tinatanggap bahala siya kung nangangalay na ang kamay niya sa kakaabot sa akin nito.

"Bakit?" Muli kong tanong. Wala akong balak kunin ito ng walang sagot na nakukuha mula sa kanya.

"Ewan ko sa kanya, siya yung nagbigay kaya siya ang tanungin mo." Nagtatanong lang naman ako kung para saan at bakit ako binibigyan nito ng nanay niya, nagalit agad. This man has a great problem dealing with his temper.

"Hehe. Pakisabi sa Mama mo Keith na Thank you ha." Kinuha ni Mimi ang box mula sa kanya. Goodness! Nakalimutan kong may kaibigan pala akong hindi alam ang salitang 'hiya'. "Guys! Pagkain nga." Nakangiti niyang sabi matapos buksan ang box. Sinilip ko ito at nakita kong mga cupcakes​ ang laman.

Binigyan niya isa isa ang mga kaibigan ko ng cupcakes, goodness! Pinagpiyestahan nila ito sa harap pa ni Keith at kabarkada niya. Bahala sila sa buhay nila, lumakad ako dahil mukhang balak pa yata nilang i enjoy ang cupcakes na kinakain nila.

"Oi, Gab. Masarap." Narinig kong sigaw ni Chelsea, tsss. Malamang sasabihin nila iyon dahil nasa harap nila ang nagbigay.

Sa office ako tumambay, nakakainis kasi ang mga kaibigan ko, pinagpalit ba naman ako sa cupcakes?!

Pinatunog ko ang cellphone ko at sinabayan sa pagkanta ang bawat kanta na alam ko. Lunch time na ngayon, punuan na naman ang cafeteria, hindi naman ako nagugutom pa kaya hindi nalang ako makikipagsiksikan doon.

Ilang tawag na ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko, pero ni isa sa kanila wala akong sinagot.

Nakakainis nga, kasi nasisira ang momentum ko sa pagkanta kasi sa bawat tawag nila umiiba ang kanta dahil sa ringtone.

"Sabi sa inyo, andito lang siya. Rinig na rinig ko kaya ang pagkanta niya na parang sirena ng ambulansiya." Kinuha ko ang earphones mula sa tenga ko nang nakita ko ang mga kaibigan ko na pumasok sa office. "Hahaha. Joke lang Gabbie." Tumakbo si Irah tapos niyakap ako.

Inilapag naman ni Mimi ang kahon ng cupcake sa harapan ko.

"Bakit hindi niyo pa inubos?" Akalain niyo, naisip pa nilang tirhan ako hindi naman ako kakain niyan.

"Dalawa iyang tinira namin sa iyo, tig iisa lang nga kami, pero try mo sige na. Masarap." Kinuha ni Marielle ang isang piraso at inilapit sa bibig ko pero pilit akong umiiwas.

"Ayoko." Umiiling ako habang umiiwas sa sinusubong cupcake ni Marielle.

"Sige na please, kahit isa lang. Please. Isa lang." I sighed as a sign of giving up. Kumagat ako sa cupcakes na sinusubo sa akin ni Marielle.

"Masarap." Sabi ko dahil nag aabang sila sa komento ko. Pero sa totoo lang, sobrang sarap niya talaga, chocolate flavor na may mocha feeling ang cupcake at may icing na kulay pink ang itaas. Sobrang sarap kahit ang icing, not the typical kind of icing na hindi kanais nais kainin.

"Yun lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chelsea.

"Fine. Sobrang sarap niya." Kinuha ko ang cupcake sa kamay ni Marielle at inubos.

How Great Is Our LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon