Championship game na sa lunes ng interschool sports competition. Hindi ang SJA ang host para sa activity na ito kaya hindi kami naging busy for the whole competition pero dito ang venue ng championship ng men's soccer kasi the same time gaganapin ang soccer game ng girls sa host school, they will surely occupy the soccer field, since available at malaki ang soccer field namin dito gagawin ang game for men. Actually palagi namang ganyan, kahit hindi kami ang host may nga events pa rin na dito nilalagay specifically soccer kasi nga we have better facilities.
Today's Saturday and yet andito kami sa school kahit isang game lang ang gaganapin dito we still made sure that we can give all the best that we can contribute for the said activity. We wanted to be hospitable as much as possible because at the end of the day this will all reflect on the name of the school.
I keep on checking all the things that is assigned to us. From the snacks of the officials to the equipments needed and the facilities that will be used.
"Hi Kuya Keith." An officer greeted Keith as he enter the office.
"Wala kang practice? Sa lunes na ang game ah." Tanong ko habang patuloy na nirereview kung okay na yung scoresheets na gagamitin.
"Meron, kakatapos lang. Lunch break e, balik daw kami ng 3." Tumango nalang ako. "May itutulong pa ba ako?" I smiled to his question. He came here after his practice to check if he can help or do something, well that caught my attention. Feeling ko he's trying his best to become a responsible officer, trying to fulfill what he had promised before entering this sport. Well he don't need to help na naman, kaya na namin ito these are so light to handle.
"Wala na, sinisigurado ko na lang na okay na talaga ang lahat. Yung iba nga umuwi na." Tumango siya at umupo sa bakanteng upuan ng table ko. I raised my brow kasi may sarili naman siyang table at upuan which is just adjacent to mine pero nginitian lang ako at nilagay ang duffle bag niya sa ibabaw ng mesa ko. He tried to check the papers above my table, hinayaan ko nalang baka gusto niya talagang tumulong.
Okay na ang field kanina na check ko na and I guess that ends the preparation for the championship game on Monday.
"Pack up na guys, thank you sa pagpunta. I really appreciate na nandito kayo kahit weekend."
"Si Ate talaga, hindi mo kailangan magpasalamat sa bawat araw na may ginagawa tayo for our assigned activities. Kaya nga kami tumakbo diba? To help the school, and this is our responsibility because we were elected." Fatty uttered in her own professional way.
"Pwede nang ikaw ang pumalit kay Ate Gab next year Fat!" Nag slow clap si Tristan at umalingawngaw ang boses niya sa loob ng office nanahimik kasi talaga ang lahat nang nagsalita si Fatty, lahat nakinig sa kanya.
Pero mukhang hindi yata nagustuhan ni Fatty ang inasal ni Tristan kaya binatukan niya ito dahilan kung bakit napangiwi ako. Hindi dahil nasaktan ako para kay Tristan kasi halata naman na masakit yung ginawa ni Fatty pero dahil may naalala ako sa kanilang dalawa, tiningnan ko ang lalaking kumuportableng umuupo sa upuan ko. Nakaplaster sa panget niyang mukha ang mga ngiti na hindi mo gugustuhing makita, I rolled my eyes.
Pumunta ako sa table ko at pinasok sa dekandadong drawer ang mga importanteng kakailangan para sa sports event na gaganapin. Ang hirap magbigay nang distansiya gayong sobrang lapit naming dalawa ni Keith, hindi man lang kasi siya nag adjust upang bigyan ako ng espasyo para magawa ko kung ano man ang gusto kong gawin sa table ko. Minsan talaga sobrang insensitive niya.
BINABASA MO ANG
How Great Is Our Love
Hayran KurguLove is magical yet so disastrous. It can turn castles into ashes. Pero bakit marami pa rin ang nangangahas makaranas nito? Hindi ko man maintindihan wala akong pakialam ngunit nagbago ito ng makilala kita. Sabi nila ang pagmamahal ay parang sugal s...
