Kabanata 22

32 7 3
                                    

"Gab! Hindi ka talaga sasama?" Tanong ni Marj. Mag oovernight kasi sila kina Marielle ngayon and as usual hindi ako pinayagan.

"Alam niyo namang hindi ako papayagan diba? Sa bahay nalang kasi tayo." Nagpaalam ako kahapon, pero katulad nang laging sinasagot ni Mama doon nalang daw sa bahay.

"Ang boring kaya mag overnight sa inyo." Litanya ni Mimi. Palihim na siniko siya ni Chelsea pero hindi iyon nakatakas sa paningin ko.

"Totoo naman, movie marathon lang tayo all night kina Gabbie kaya nakakaantok. Kina Marielle may bonus alcohol drinks pa." Nakangising sabi ni Mimi. Halatang uhaw na uhaw sa alcohol, sabagay katulad ko binabawalan rin siyang uminom pero sadyang matigas ang ulo niya kaya kung may pagkakataong makatikim ng alak sinusunggaban niya agad.

"Sige na, sa susunod nalang. Enjoy kayo." Ngumiti ako para hindi na sila mag alala pa.

"Kailan ang susunod Gab? Mga trenta anyos ka na?" Singit ni Irah. Napasimangot tuloy ako.

"Grabe naman! Baka next year pwede na."

"Di  na tayo magkakaklase next year." Madramang sabi ni Marielle. Oo nga naman, magko-kolehiyo na kami sa susunod na taon at malaki ang tsansa na iba't ibang kurso ang kukunin naming lima.

Pero siguro kami ni Marj may pag asang magkaklase kasi gusto niya ring mag Accountancy. Gusto ko rin ang kursong iyon kaso hindi ko alam kung saan siya mag aaral at ganoon din ako.

"Drama na naman ba? Alis na nga kayo! Hahaha!" Tinulak ko na sila sa loob ng sasakyan nina Marielle para makaalis na. Mas lalo lang kasi akong nagseselos na hindi ako makakasama sa kanila.

Isa isa silang pumasok na. Si Marj nakasimangot pa rin, ang cute niya talaga.

"Akin yung unang baso ng alak ha. Sige na ingat." Sinarado ko ang pintuan ng kotse ni Marielle at makalipas ang ilang sandali umandar at umalis na ito.

Tumungo ako sa usual parking area ni Manong Steve. At nakita ko sa di kalayuan si Keith na nakasandal sa kotse niya, in his usual spot also, few spaces away from our car.

Tinaasan ko siya ng kilay ng iwinagayway niya ang kanyang kamay. Tumingin ako sa aking likod pero wala namang tao kaya tinuro ko ang sarili ko.

Ngumiti siya at tumango. Tumuwid siya ng tayo kaya imbes na sa sasakyan ako namin dumiretso sa kanya ako pumunta.

"Ano?" Una kong tiningnan ang kamay niya at nakita kong suot niya ang binigay kong relo noong Lunes dahilan kung bakit napangiti ako. I feel valued.

"Hindi talaga uso ang hello sa iyo noh? Hahaha." Ginulo niya ang buhok ko kaya umilag ako at inayos ito.

"Ano na naman ang problema mo? Miss mo na ba akong asarin?" Isang linggo nang tahimik ang buhay ko dahil wala na akong narinig na mga tukso at asar sa kanya. Kahit nagkakasalubong kami sa corridor ngumingiti nalang siya.

Pakiramdam ko naunumbalik ang katahimikan sa mundo ko nitong nakaraan.

"Birthday ni Mama bukas, may konting kainan sa bahay, punta ka raw." Nagulat ako sa sinabi niya. Imbitado ako sa party ng Mama niya ganun? Sabagay nagkita na kasi kami ni Tita kaya baka nahihiya siya kaya inimbitahan din ako.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon